NPA-WESTERN SAMAR
ARNULFO ORTIZ COMMAND
December 17, 2021 | NPA-Western Samar
Sa pamamagitan ng sunud-sunod na matatagumpay na taktikal na opensiba, nagawang biguin ng Bagong Hukbong Bayan-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command o BHB-AOC) ang operasyong dumog ng 46th Infantry Battalion sa bawnderi ng mga bayan ng Calbiga at Pinabacdao.
Sa pinakahuling ulat ng BHB-AOC, katapusan pa lamang ng Agosto ay nagsimula na ang joint operation ng 46th IB kasama ang 83rd Division Reconnaissance Company. Layunin ng operasyon na lipulin at palayasin ang maliit na yunit ng BHB sa lugar. Agad itong pinagplanuhan ng kumand sa operasyon ng BHB-AOC upang matugunan ito ng mga taktikal na opensiba at biguin ang plano ng kaaway.
Septyembre 1. Hinaras ng mga Pulang mandirigma ang isang kolum ng 46th IB na nag-ooperasyon sa loob ng Brgy. Bugho, Pinabacdao bandang alas-11 ng umaga. Tatlong pasistang tropa ang patay at isa ang nasugatan, kung saan kabilang ang dalawang elemento ng CAFGU.
Septyembre 3. Muling hinaras ng BHB-AOC ang isa pang kolum ng 46th IB sa Brgy. Lawaan, na kasapit lang ng Brgy. Bugho. Dahil dito, nahadlangan ang pagtuluy-tuloy ng operasyon ng pasistang kaaway.
Sa kabiguang matalo ang hukbong bayan, pinatay ng mga tropa ng 46th IB ang isang konsehal ng Brgy. Lawaan at ipinaratang pa sa BHB ang kanilang pasistang pag-atake. Pero agad din itong pinasinungalingan sa social media matapos dito ibuhos ng pamilya ng biktima ang kanilang galit sa mga pasistang sundalong responsable sa brutal na pagpaslang.
Septyembre 4. Inambus ng BHB-AOC ang dalawang upisyal sa intelidyens ng 46th IB sa Brgy. Canbagtic, Calbiga. Ito ang agap na tugon ng hukbong bayan sa impormasyong natanggap nila sa araw ring iyon na naniniktik ang mga elemento ng 46th IB sa baryo. Labis na ikinagalak ng masa ang opensibang ito.
Septyembre 17. Isang tropa ng militar ang patay matapos tambangan ng BHB-AOC ang mga pasistang nag-ooperasyon sa Brgy. Pelaon, Pinabacdao. Naunang makita ng mga Pulang mandirigma ang bakas ng mga sundalo, kaya nauna silang makapagpusisyon at makapagpaputok sa mga pasistang tropang bulag at bingi sa kanilang presensya.
Septyembre 18. Hinaras ng BHB-AOC ang isa pang kolum ng kaaway sa pagitan ng Brgy. Sinalangtan at Brgy. Layo sa Pinabacdao bandang alas-1 ng hapon. Ginamitan nila ng granada ang paparating na kaaway saka pinaputukan ng baril. Isang pasistang tropa ang napatay.
Dahil sa sunud-sunod na opensiba ng BHB, naobliga ang kaaway na itigil ang kanilang operasyon, napilitang magkampo at manahimik sa loob ng baryo ng Sinalangtan, Lawaan at Pelaon. Matagal nang gindeklara ng 46th IB na “insurgency-free” na ang mga bayan ng Calbiga at Pinabacdao matapos nitong ilunsad ang higit dalawang taong RCSP at pagkakampo sa mga baryo.
https://prwcinfo.wordpress.com/2021/12/25/operasyong-dumog-ng-46th-ib-binigo-ng-bhb-western-samar/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.