MARIA ROJA BANUA
SPOKESPERSON
NDF-BICOL
December 21, 2021
Ang pinakabagong ulat ng Commission on Audit na naglalantad sa anomalyosong paggamit ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa P16 bilyon pondo nito para ngayong taon ay isa lamang sa napakaraming patunay ng kahungkagan ng task force na ito. Magngangangawa man ang mga tagapagsalita at militaristang tagasuporta nito, hindi nila mapipigilan ang pagsingaw ng katotohanang ang pasistang kapritso ng rehimeng US-Duterte ang tanging dahilan bakit nabuo ang NTF-ELCAC. Laluna ngayong mismong mga ahensya na ng gubyerno ang naglalabas ng kanilang baho.
Nakikiisa ang NDF-Bikol sa panawagang ilipat sa mas makabuluhang mga sosyoekonomikong programa ang pondo ng pasista at walang katuturang NTF-ELCAC. Hindi mauubusan ng mga programang higit na nangangailangan ng pondong ito: benepisyo para sa mga health workers, dagdag sahod ng mga manggagawa, dagdag pondo para sa pagharap sa mga sakuna, ayuda para sa mga magsasaka at maralita at napakarami pang iba.
Habang nagpapakasasa ang NTF-ELCAC sa nakakalulang halagang mula sa pinaghirapang buwis ng taumbayan, hindi naman magkandamayaw ang mga lokal na yunit ng gubyerno at ahensya sa paghahanap ng pondong sasapat sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan. Laluna sa gitna ng pandemya at sunud-sunod na pananalanta ng mga bagyo at masamang panahon. Sa katatapos pa nga lang na pananalasa ng bagyong Odette, sa pribadong sektor at mga donasyon na lamang umaasa ang mga naapektuhang sektor at komunidad. Samantala, kung tutuusin ay ilang ulit na kayang punuan ng pondo ng NTF-ELCAC ang P537 milyong tinatayang danyos ng naturang bagyo.
Sadya namang walang mahihita ang masa mula sa NTF-ELCAC dahil hindi ito binuo para sa kanilang kapakanan kundi upang maging pangunahing makinarya ng paninira, red-tagging at disimpormasyon. Ito ang nanguna sa mabagsik na panunugis sa mga tinataguriang komunista. Sa pamamagitan ng baha ng black propaganda nito, binubura ang pagkakaiba ng mga sibilyan mula sa kombatant, mga aktibista mula sa terorista at mga progresibo mula sa mga kriminal. Ang lahat ay binabansagang armadong terorista.
Kasabay nito, tiniyak nito ang walang puknat na paglalabas ng mga minanupakturang search at arrest warrant na gagamitin ng mga pulis at militar bilang napakanipis na tabing upang makapaglunsad ng mga brutal na operasyon. Kabisado na ng masa ang kasunod na eksena: nanlaban, patay.
Ang isa sa mga pangunahin nitong proyektong Barangay Development Program (BDP) na tinaguriang General’s Pork Barrel ay nalalantad ngayon sa tunay nitong papel – maging balon ng kurapsyon at kikbak para sa pinakamababangis na berdugong upisyal militar at pulis. Sa Bikol, hindi bababa sa 329 barangay ang makatatanggap umano ng tig-P20 milyon sa ilalim ng Phase 1 at 2 ng naturang programa. Ngunit hindi na kinakailangang maging henyo upang maintindihang sa aktwal, liban sa pasistang panunupil, ay ginagamit ng NTF-ELCAC ang limpak-limpak na pondo para sa pagbili ng suporta ng mga papet na pulitiko para sa paksyong Marcos-Arroyo-Duterte sa parating na halalan.
Dapat lamang na ipanawagan ng mamamayan ang tuluyan nang pagbuwag sa pasistang NTF-ELCAC. Liban sa wala naman itong silbi para sa pagpapaunlad ng kalagayan ng taumbayan, isa itong malaking banta sa seguridad at kaligtasan ng sibilyang populasyon.
https://prwcinfo.wordpress.com/2021/12/21/walang-napala-ang-masa-sa-walang-katuturan-at-pasistang-ntf-elcac-pondo-para-sa-nag-uulol-na-pasismo-ilipat-sa-serbisyo-sa-tao/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.