Monday, September 13, 2021

CPP/EVRC: Pagdumdum sa mga Martir ng Dolores

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 13, 2021): Pagdumdum sa mga Martir ng Dolores

EASTERN VISAYAS REGIONAL COMMITTEE
COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

SEPTEMBER 13, 2021



[Ang pahayag na ito ng Komiteng Tagapagpaganap ng Panrehiyon Komite ng PKP sa Eastern Samar ay pag-aalala at pagpupugay sa Mga Martir ng Dolores na biktima ng walang-habas na pambobomba ng AFP noong Agosto 16, bilang paggunita sa unang buwan ng kanilang pagkamartir.]

Alay sa Dolores 20, mga rebolusyonaryong martir na nagbuwis ng buhay sa dakilang paglaban para kamtin ang tunay na kalayaan at demokrasya, hustisyang panlipunan at para wakasan ang paghahari ng imperyalismo, pyudalismo at pasismo sa bansa. Hangad nilang ibagsak ang paghahari ng pasista, mamatay tao, korap, tirano, taksil na berdugong rehimeng US-Duterte. Namatay sila sa brutal at makahayup na pambobomba ng pasistang AFP sa utos ng kanilang punong si Duterte noong alas-kwatro ng madaling araw hanggang alas-singko ng hapon ng Agosto 16, 2021.

Gumamit ang kaaway ng 2 FA-50, 2 Super Tucano, 2 Augusta Westland helicopter, 2 Huey Cobra helicopter, 1 MD 520 attack helicopter, mga Hermes 900 drones at di bababa sa 7 pang ibang tipo ng mga drones, di bababa sa 2 kanyon, di bababa sa 50 bombang sumasabog sa lupa at sumasabog sa itaas mula sa mga eroplano at mga kanyon, mga rocket missiles mula sa mga helicopter at libo-libong mga bala ng kalibre. 30 at .50 mula sa makapal na pag-istraping ng mga helicopter. Gumamit ng di bababa sa tatlong batalyon ng pasistang militar kakumbina na ang mga yunit ng Special Forces.

Ang klase ng operasyong militar ay aakalain mong laban sa isang dayuhang kapangyarihan na nagtatangkang angkinin ang teritoryo ng Pilipinas. Pero hindi. Ito ay operasyon laban sa isang maliit na yunit ng BHB sa isa sa mga larangang gerilya ng Eastern Samar. Walang humanidad o pagkamakatao ang ginawang operasyong pambobomba na labag sa tuntunin ng necessity at proportionality (Rule of necessity and proportionality) ng International Humanitarian Law (IHL) . Nilabag din ng AFP ang Rule of distinction ng IHL sa pagitan ng armadong pwersa at sibilyan nang tamaan ng bomba ang 2 bahay ng masa sa kalapit na baryo ng Cabago-an at mapinsala ang mga sakahan ng mga magsasaka sa malapit na mga baryo.

Ang brutalidad ng pagbira sa yunit ng isang larangang gerilya ng Eastern Samar ay tanda ng malaking pagkatakot ng kaaway sa di-inaasahang nakitang presensya ng pinaliit na kumpanyang gerilya ng BHB sa erya. Ang BHB Tuog (koda ng yunit) ay mainit na tinatanggap ng masa at minahal at minamahal nila. Kung gaano ang galit ng mga berdugong pasista sa BHB ay abot naman hanggang langit ang pagmamahal ng masa sa BHB.

Ang BHB Tuog ang matiyagang nagpapaliwanag sa masa sa tunay na mga ugat ng dantaon ng kahirapan, pang-aapi at pagsasamantala sa malawak na masa ng mga uring anakpawis, katuwang sila ng mga magsasaka sa lugar sa pagtatanim, pagdadamo at pag-ani ng kanilang palay, kabungguang-isip paano makakaginha-ginhawa sa pagbagsak ng kanilang ani bunga ng pananalanta ng pesteng Duterte (pinangalanang Duterte ng masa ang pesteng nagpayapis sa bunga ng kanilang palay), hinarap ang problema sa pangangamkam ng lupa sa lugar, binalaan at pinigilan ang operasyon ng sindikato ng drogang kontrolado ng mga pulis sa bayan, binalaan at pinatigil sa pananakot at kriminal na aktibidad ang mga maton at siga sa mga baryo. Sino ngayon ang tunay na terrorista?

Hindi kayang pigilan ng mga bomba ang pagkapukaw ng masa sa kanilang tunay na kalagayan at pagyakap sa rebolusyon para lutasin ang kanilang kahirapan at pagkaapi. May sapat pang pwersang nakaligtas, patuloy ang suporta ng masa, nariyan pa ang mga boluntaryong papalit sa mga bumagsak. Hawak ng masa at mga kasama ang mahahalagang leksyon sa nangyari. Nasa puso at diwa ng masa at mga kasama ang diwang Balangiga, Pulahanes, paglaban sa diktadurang Marcos at lahat ng sumunod na papet na rehimen.

Tiyak, maglalagablab ang rebolusyon sa Eastern Samar!

Ang Alay na awit sa Dolores 20 ay adaptasyon mula sa dalawang katutubong himig na malapit sa puso ng mga Waray. May giliw at pagmamahal at pagpapatuloy ng laban. Ang unang 2 istansa ay galing sa kantang Iroy Nga Tuna ng Eastern Samar, ang sumunod na awit ay adaptasyon ng Kon Harapit Na An Adlaw Matunod. Inilakip din ang original na himig para masundan paano kakantahin ang adaptasyon.

Ang ikalawang awit ay adaptasyon mula sa kantang ‘Balita’ ng bandang Asin. Inilalarawan sa adaptasyon ang tunay na kalagayan ng mga baryong inookupa ng RCSP ng pasistang AFP. Sa Samar, inuutusan ng mga pasista ang masa na ikoral ang baryo. Maraming masa ang tumatangis kapag kung nagkukwento sa mga dinanas nila sa ilalim ng RCSP kabilang na ang sapilitang papapasurender.

————————————————————————-

O Samar Eastern Samar
Amon tuna nga natawhan
Kami nga mga anak mo
Nag-aantos han kakurian

Ha mga manraugdaug
Andam kami lumaban
Lawas pati kalag
Halad namon ha katalwasan.

—————————————————

Kon harapit na an adlaw matunod
Amon panumdum ngadto ha iyo
Nagtikang an kakulba ha dughan
Amon kahidlaw ha iyo dako

Pagtikang han panuro han tun-og
Mga bukad ngan dahon nanhumog
Amon luha daw burabod
Pagpasarinsing an pagtubod

Kon nadangat na an gab-i
Nagtikang an kamingaw
Labi kon nabati
Han huni han kalaw

Pagpurak han sidlangan
Pagpunias han adlaw
Pagkalpad han maya
Gindumdum kamong tanan

Ginhingyap kam han inagi nga adlaw
An himaya nga hingpit gayud
Labi na kon upod kam pagtan-aw
Han pagsulong han mga balud

Kon ginhihigabut an amon kakulba
An kamingaw namara-para
May nam tingali amon paglaum
Urupod-upod la kit gihapon

Salit an pagsalidsid
Han mapawa nga adlaw
Higtaas nga bukid
Luob hin kasilaw

Paghuni han gangis
Upod an kamingaw
Duyog an paglaban
Gindumdum kamong tanan.

———————

Original lyrics

Kon harapit na an adlaw matunod
Ngan ha imo harayo ako
Nagtikang an kakulba ha dughan
An kamingaw away gud ako

Pagtikang han panuro han tun-og
Mga bukad ngan dahon nanhumog
Inin luha daw burabod
Waray hunong an pagtubod

Kon nadangat na an gab-i
Nagtikang an kamingaw
Labi kon nabati
Han huni han kalaw

Pagpurak han sidlangan
Pagpunias han adlaw
Pagkalpad han maya
Hinumdum ko ikaw

Ginhigyap ka han inagi nga adlaw
An himaya nga hingpit gayud
Labi na kon upod ka pagtan-aw
Ha kapusak han mga balud

Kon ginhihigabut an akon kakulba
An kamingaw namara-para
May ko tingali akon paglaum
Bangin man la ning kawangon

Salit an pagsalidsid
Han mapawa nga adlaw
Higtaas nga bukid6
Luob hin kasilaw

Paghuni han gangis
Upod an kamingaw
Duyog an pagtangis
Hinumdum ko ikaw.

——————————
Balita (adaptasyon)
Ni Ka H.

Lapit mga kaibigan
At makinig kayo
Ako ay may dala-dalang balita
Galing sa bayan ko

Nais kong ipamahagi
Ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap
Sa lupang minamahal ko

Ang lupang pinanggalingan ko
Ay tigmak ng dugo
Ang mga tao ay kinukural
Ng pasistang sundalo

Pag di ka makasunod
Sa kanilang mando
todo-todong pagkastigo
O bala ang tatama sa iyo

Mula nang makita ko
Ang lupang ito
Nakita ko na ang pag-aapoy
Sa puso ng tao

Ginatungan ng mga kabulukan
Ang hirap na pinapasan
Ngayo’y dama ko na
Sumisikdo ang puso nila.

Lapit mga kaibigan
At makinig kayo
Ako ay may dala-dalang balita
Galing sa bayan ko

Nais kong ipamahagi
Ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap
Sa lupang minamahal ko

Mga bala at mga bomba
Sa bundok at baryo
Mga kalsada’t mga tulay
Solusyon daw sa paghihirap ko

Ngunit walang ibang yumaman
Kundi ang militar
At ang bulok at mga ganid
Na naggugubyerno

Ngayon ang lupang minamahal ko
Ay sumisigaw
Kapit bisig tayong lahat
Matatag na humanay

Dinggin nyo ang mga sigaw
Ng mga taong
Kung inyo lamang dadamhin
Ay kabilang din sa inyo

Lapit mga kaibigan
At makinig kayo
Ako ay may dala-dalang balita
Galing sa bayan ko

Nais kong ipamahagi
Ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap
Sa lupang minamahal ko.

https://cpp.ph/statements/pagdumdum-sa-mga-martir-ng-dolores/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.