Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 21, 2021): Panukala laban sa panggigipit sa mga unyon, inihapag
Inihapag ng blokeng Makabayan ang Union Independence Act of 2021 noong Setyembre 19 sa Kongreso para parusahan ang sinumang makikialam, haharang, manggigigpit o mamimilit sa sinumang manggagawa o unyon. Reaksyon ito sa sunud-sunod na red-tagging sa mga unyon sa loob ng mga export processing zone at pamimilit sa mga manggagawa na kumalas sa Kilusang Mayo Uno.
Pasimuno sa red-tagging at walang awat na panghaharas sa mga manggagawa at unyonista ang National Task Force to End Local Communict Armed Conflict at ang Joint Industrial Peace and Concerns Office o JIPCO na itinatayo nito sa loob ng mga sona ng paggawa.
Hiwalay pa rito ang mga pagtatangka ng Philippine National Police na makialam sa ilalim ng ipinanunukalang Alliance for Industrial Peace and Program Office kung saan bibigyan ng kapangyarihan ang mga pulis na makialam sa mga sigalot sa pagitan ng mga manggagawa at maneydsment ng mga kumpanya.
Ayon sa mga grupong manggagawa, magbubunsod ang JIPCO at AIPPO ng mas malawak at sistematikong pagsikil sa karapatan ng mga manggagawa sa pag-uunyon. Lalo nitong palalalain ang pagsasamantala at gipit na kalagayan ng mga manggagawa sa loob ng mga export processing zone.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2021/09/21/panukala-laban-sa-panggigipit-sa-mga-unyon-inihapag/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.