Sunday, September 26, 2021

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Neri Colmenares, tatakbo sa Senado

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 24, 2021): Neri Colmenares, tatakbo sa Senado


ANG BAYAN | SEPTEMBER 24, 2021

Inianunsyo noong Setyembre 23 ni Neri Colmenares ng Makabayan ang intensyon niyang tumakbo pagka-Senador sa eleksyong 2022. Nagsilbing kinatawan ng Bayan Muna si Colmenares sa Kongreso. Kasalukuyan siyang tagapangulo ng National Union of People’s Lawyers.

Panata ni Colmenares, isang kilalang abugadong nagtatanggol sa mga karapatang-tao, na itutulak niya ang imbestigasyon sa “gera kontra-droga” ni Rodrigo Duterte at ipaglalaban ang hustisya para sa biktima nito sa International Criminal Court.    “Nagdesisyon ang mga lider at kasapi ng Makabayan na patakbuhin ako sa Senado,” aniya. “Tatakbo ako para sa Senado sa 2022 para maihatid ang pinakamatalas na kritisismo sa kandidatura ni Presidente Duterte.” Pangatlong pagkakataon na itong tatakbo siya sa Mataas na Kapulungan.

Dadalhin ni Colmenares ang mga ipinaglalaban ng blokeng Makabayan sa Kongreso. Kabilang dito ang pagpapanukala para sa dagdag na sahod, regularisasyon ng mga manggagawa, tunay na reporma sa lupa at iba pa. Pangako rin niyang magpanukala ng mga hakbang na nakatuon sa mas mahusay na pagharap sa pandemyang Covid-19.

“Ituturing natin na isang emergency sa pampublikong kalusugan ang Covid-19, at hindi bilang sitwasyon ng peace and order tulad ng pagtrato rito ni Duterte,” aniya.

Liban sa pagiging abugado sa karapatang-tao, kilala rin si Colmenares bilang isang konstitusyunalista at eksperto sa internasyunal na makataong batas. Isa siya sa pinakabatang bilanggong pulitikal noong panahon ng diktadurang Marcos. Nagsimula siya sa kanyang aktibismo noong estudyante sa San Beda College.

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. t other corners of the world. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]

https://cpp.ph/angbayan/neri-colmenares-tatakbo-sa-senado/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.