Thursday, July 1, 2021

Kalinaw News: Mga sumukong miyembro ng NPA at Milisyang bayan, nakatanggap ng tulong pinansyal mula Sa Gobyerno ng Surigao del Norte

Posted to the Kalinaw News Website (Jun 30, 2021): Mga sumukong miyembro ng NPA at Milisyang bayan, nakatanggap ng tulong pinansyal mula Sa Gobyerno ng Surigao del Norte



Gigaquit, Surigao del Norte – Sa pagbabalik-loob ng pitong (7) miyembro ng New People’s Army o NPA at dalawang (2) Milisyang Bayan (MB), sila ay mainit na sinalubong ng mga kawani ng Probinsya ng Surigao del Norte. Sila ay nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno nitong ika-29 ng Hunyo, 2021 na ginanap sa tanggapan ng Provincial Governor sa Kapitolyo ng Surigao del Norte.
Ang siyam na Former Rebels o mas kinilala na ngayon bilang Friends Rescued (FR) ay kinilala sina Alyas Inzo, Alyas Ivan, Alyas Jerson na isang Vice Squad Leader, Alyas Daylan, Political Guide, Alyas Gelai, Alyas JimJim, Alyas Robert, at dalawang MB na sina Alyas Remon at Alyas Bernie ng Guerilla Front16 C1 ng North Eastern Mindanao Regional Committee o GF16 C1, NEMRC.

Ang mga nasabing FR ay binigyan nang kabuang anim na put-anim na libo o 66,000 na halaga. Ang nasabing pagbibigay tulong pinansyal ay isa sa mga ginawang batas ni Gobernador Francisco ‘Lalo’ Matugas kung saan pinapatupad ang agarang pagbibigay tulong sa mga nagbalik-loob na mga miyembro ng NPA mapa regular o isa man siyang milisiya ng bayan (MB). Ito din ay bukod pa sa matatanggap nila mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP ng gobyerno dahil ito ay kanilang magagamit habang prinoproseso ang kanilang mga benepisyo sa ECLIP.

“Daku ang aku pasalamat sa gobyerno hilabi na sa kasundaluhan sa 30IB sa pagtabang nila namu diha sa among pagsugod sa bagong yugto sa among kinabuhi kauban ang among tagsa-tagsa namu ka mga pamilya. Akung napamatudan nga usa ra ka kadakung bakak ug pag-panghadlok lamang’ ang Istorya sa akung mga kanhing Kummander nga kung Mussurrender kami turturon, pahimuslan ug pagkahuman patyon. Aku’ kauban ang akung Walo (8) ka mga kaubanan, kami nga mga buhing saksi sa kamaayo ug ka sinsiro sa gobyerno sa pagtabang sa mga kanhing rebelde nga pariha namu kung boluntaryo nga mo surrender. Busa, kami nanawagan sa among mga kanhing kaubanan nga musurrender na ug magpuyo nga malinawon susama namu kauban ang ilang pamilya”. Saad ni @ Alyas Inzo.

Mula naman kay Gobernador Matugas, kanya din inihayag ang kanyang labis na pasasalamat sa desisyon ng mga Friends Rescued na magbalik-loob na at gawin ang nararapat, “Ang pagbibigay ng tulong na ito sa ating mga nagbalik-loob na kasamahan ay isa lamang sa mga programa ng iyong Gobyerno. Dahil ngayon, ang iyong pamahalaan ay seryoso at gusto ng tapusin ang insurhensiya dito sa Probinsya ng Surigao del Norte. Ganun din u0ang magkaroon na tayo ng kapayapaan at pagbabago sa ating probinsiya. Kung kaya patuloy natin gagawin ang ating tungkulin upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga nagbabalik-loob na kapatid”.

Ayon din kay Brigadier General George L Banzon ang pinuno ng 901st Infantry Brigade, “Ang iyong gobyerno at ang inyong kawal sa Philippine Army ay patuloy na gagawin ang lahat upang matapos na ang insurhensiya dito sa ating minamahal na probinsiya. Patuloy din namin gagawin ang ating pangako sa mga magbabalik-loob na atin silang tutulungan upang magkaroon sila muli ng panibagong buhay kung kaya patuloy kaming nananawagan sa mga miyembro pa ng NPA na sumuko na at tanggapin ang tulong na nakaprograma para sa kanila”.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-sumukong-miyembro-ng-npa-at-milisyang-bayan-nakatanggap-ng-tulong-pinansyal-mula-sa-gobyerno-ng-surigao-del-norte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.