Sunday, June 6, 2021

CPP/NPA-Quezon: Peke ang relief operations ng 85th IB

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 5, 2021): Peke ang relief operations ng 85th IB

CLEO DEL MUNDO
SPOKESPERSON
NPA-QUEZON (APOLONIO MENDOZA COMMAND)
SOUTHERN TAGALOG REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (MELITO GLOR COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY

JUNE 06, 2021



Nagpapaabot ako ng pulang saludo sa matagumpay na ambus na inilunsad ng isang yunit ng Apolonio Mendoza Command-New People’s Army-Quezon laban sa mga berdugong militar ng 85th IBPA sa Brgy. Batabat Sur, Buenavista, 1140 ng umaga, ngayong araw.

Kumpirmadong patay ang isang sundalo habang dalawa ang sugatan matapos masabugan ng command detonated explosives ang 6×6 military truck na may lulang sundalo ng 85IB at pulisya. Nagbubunyi ang mamamayang Quezonin sa ginawang taktikal na opensiba ng AMC-NPA sa lalawigan.

Magsisilbi sanang security ang mga sundalo at pulis sa gagawing kunyaring relief operations sa barangay, pero ang totoo ay plano nilang iparada ang mga napilit na pasukuing taumbaryo, kabilang ang mga katutubong Manide (isang grupo ng mga Aeta).

Noong huling linggo ng Mayo, nagreklamo ang taumbaryo at mga katutubo sa kakarampot na ipinamahaging relief goods sa Barangay del Rosario, San Pedro at Mabini ng Buenavista gayong alam daw nila na daan-daang sako ng bigas ang nalikom na donasyon. Naggigiit ang taumbaryo na maglabas ng tapat na ulat ang LGU at 85IBPA sa kanilang nalikom at kung paano ito ipinamahagi.

Ang aksyong militar ng NPA ay pamamarusa sa 85IBPA sa patung-patong nitong kasalanan sa mamamayan, kabilang ang sumusunod:

1. Walang habas na pambobomba at strafing noong buwan ng Pebrero kung saan tumagal ng halos isang linggo at naapektuhan ang 22 baryo ng 4 na bayan sa South Quezon-Bondoc Peninsula (Buenavista, Catanauan, Mulanay at San Narciso)

2. Panlalansi sa katutubong mamamayan gamit ang relief operations para maging makinarya ng NTF-ELCAC. Sinuhulan ng bigas at groceries ang mga katutubo at may mga pinipiling bigyan ng cellular phone para obligahing magreport sa mga sundalo.

3. Pagsisilbing private army at security ng mga negosyo ni Mayor Ma. Remedios Uri-Rivera ng bayan ng Buenavista. ###

https://cpp.ph/statements/peke-ang-relief-operations-ng-85th-ib/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.