Posted to the Philippine Information Agency (May 22. 2021): Tagalog News: Apat na TIKAS projects, pinasinayaan sa Fort Magsaysay (By Camille C. Nagaño)
FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija, Mayo 22 (PIA) -- Pinasinayaan na ang apat na proyekto sa ilalim ng TIKAS o Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad Program sa loob ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.Ayon kay Public Works and Highways o DPWH Secretary Mark Villar, ang TIKAS ay ideya mismo ni Pangulong Duterte na layong makatulong at maiparamdam ang suporta ng pamahalaang nasyonal sa Armed Forces of the Philippines.
Aniya, ngayon lamang nagkaroon ng ganitong programa para sa mga kawal ng bansa na pinagtutulungang pangasiwaan ng DPWH at Department of National Defense o DND.
Pahayag ng kalihim, kung tutuusin ay kulang pa itong mga proyektong pang-imprastraktura kung ikukumpara sa sakripisyo at serbisyo na ibinibigay ng mga kasundaluhan para sa bayan.
Ayon pa kay Villar, kinakailangang masiguro naman na mayroong sapat na pasilidad ang mga kasundaluhan na kanilang magagamit sa pagtupad ng tungkulin.
Kabilang sa mga pormal nang binuksang proyekto sa loob ng kampo ay ang bagong headquarters ng 7th Infantry Division na kinapapalooban ng Tactical Operation Center na ang kabuuang halaga ay umabot sa humigit 41.4 milyong piso.
Kasabay ding pinasinayaan ang apat na palapag na Transient Facility ng Light Reaction Regiment na may halagang 39.2 milyong piso gayundin ang dalawang palapag na Enlisted Personnel Barracks na magagamit ng mga kawal na nakatalaga sa Special Forces Regiment (Airborne).
Pinangasiwaan mismo nina Public Works and Highways Secretary Mark Villar (kaliwa) at Defense Secretary Delfin Lorenzana (kanan) ang apat na malalaking proyekto ng TIKAS o Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad Program sa loob ng Fort Magsaysay, Nueva Ecija. (DPWH)
Natapos na din ang 7.261 kilometrong concrete road na nagkakahalagang 81.2 milyong piso para sa mas madaling pagbyahe ng mga kagamitan papasok at palabas ng kampo.
Paglilinaw ni Villar, ang mga proyektong isinusulong sa ilalim ng TIKAS Program ay hiniling ng mga kampo batay sa kanilang pangangailangan.
Sa naging mensahe naman ni DND Delfin Lorenzana ay kanyang sinabi na malaking tulong ang mga ipinatayong imprastraktura upang lalong tumaas ang moral ng mga kasundaluhan sa pagtupad ng sinumpaang tungkulin.
Kanyang ipinaaabot ang pasasalamat sa Pangulo na may maiiwang pamana sa Philippine Army na tiyak ay mapakikinabangan ng mga susunod na henerasyon gayundin ang pasasalamat sa DPWH na katuwang mula sa pag-paplano, pagpopondo at pagpapatayo ng mga nasabing proyekto.
Pahayag ni Lorenzana, ay patuloy na maaasahan ang suporta at pagbabantay ng DND sa Build Build Build projects ng pamahalaan partikular mula sa mga rebeldeng grupo.
Ang paalala ng kalihim sa mga kasundaluhan ay pangalagaan ang mga tinatanggap na mga bagong pasilidad upang mapakinabangan nang mahabang panahon. (CLJD/CCN-PIA 3)

https://pia.gov.ph/news/articles/1075888
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.