Sunday, May 30, 2021

Tagalog News: 16 na dating miyembro ng Communist Terrorist Group, sumuporta na sa ELCAC

From the Philippine Information Agency (May 29, 2021): Tagalog News: 16 na dating miyembro ng Communist Terrorist Group, sumuporta na sa ELCAC (By Alehia Therese V. Abuan)


Personal na inabot ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez ang financial assistance at iba pang ayuda sa isang sumukong miyembro ng Communist Party New People's Army sa isang simpleng ceremonya na ginanap sa City Hall nitong Biyernes, ika-29 ng Mayo, 2021. (Mayor Edwin Olivarez Facebook Page)

LUNGSOD PARAÑAQUE, Mayo 29 (PIA) -- Matagumpay na nagkaroon ng Signing of Pledge of Commitment to Support ELCAC [End Local Communist Armed Conflict] at Awarding of Cash Assistance para sa 16 na kataong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) at CTG Front Organizations na nagpasya nang sumurender at magbalik-loob sa pamahalaan at sa pamayanan.

Ang simpleng seremonya, na ginanap sa Parañaque City Hall, Mayor's Hall, Lungsod ng Parañaque nitong Biyernes, ay pinangunahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Parañaque City Peace and Order Council sa programang "ELCAC Convergence and Awarding of Cash Assistance to CTG and CTGFO Members under the ECLIP [Enhanced Comprehensive Local Integration Program] and PRLE [Poverty Reduction, Livelihood and Employment] Cluster.

"Ngayong araw ng Biyernes ay ikinagagalak po nating ibalita sa bawat isa na ang Lungsod ng Parañaque katuwang ang ating Regional Peace and Order Council-NCR (RPOC-NCR)," ayon kay Parañaque City Mayor at RPOC-NCR Chairman Edwin L. Olivarez.

Kasama ni Olivarez na nanguna sa naturang programa sina NCRPO Regional Director PMGen. Vicente D. Danao, Jr., PBGen. Southern Police District, District Director Jimili L. Macaraeg at Parañaque Chief of Police Maximo Frial Sebastian Jr.

Kasama rin sina Parañaque City Vice Mayor Rico Golez, Parañaque City Councilor Toki Baes, Parañaque DILG-Director John Visca, Parañaque City Administrator Fernando Soriano, SSO and PIO Chief, Mr. Mario L. Jimenez, Association of Barangay Chairman President, Christopher Aguilar, SK Federation President Hannah Florencondia at Parañaque-BFP City Director FSUPT. Edgar W. Tanawan.

"Pinapasalamatan naman natin ang hanay ng Philippine National Police (PNP) at mga tagapagpatupad ng batas katuwang ang bawat Lokal na Pamahalaang Lungsod hindi lang sa Parañaque ngunit maging sa buong Metro Manila at buong Pilipinas sa tagubilin at direktiba ng ating mahal na Presidente, Rodrigo Roa Duterte," dagdag pa ng alkalde.

"Maraming maraming salamat po! Sama-sama, maiibsan at malulunasan po natin ang problema sa terorismo, at mapapanatili ang kapayapaan at kaayusan lalong lalo na sa Metro Manila at sa buong bansang Pilipinas," aniya. (PIA NCR)

https://pia.gov.ph/news/articles/1076583

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.