Thursday, January 21, 2021

Tagalog News: 'Kapatiran ng mga Dating Rebelde' inilunsad sa Palawan

From the Philippine Information Agency (Jan 20, 2021): Tagalog News: 'Kapatiran ng mga Dating Rebelde' inilunsad sa Palawan (By Orlan C. Jabagat)


Ang mga dating rebelde na ngayon ay miyembro na ng 'Kapatiran ng mga Dating Rebelde o KADRE' habang nanunumpa sa kani-kanilang mga katungkulan sa paglulunsad ng nasabing organisasyon kamakailan. (Larawan mula sa 6CRG, WESCOM)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 21 (PIA) -- Isang organisasyon na tinaguriang Kapatiran ng mga Dating Rebelde o KADRE ang inilunsad sa Palawan nitong Enero 18.

Isinagawa ito sa isang hotel sa Lungsod ng Puerto Princesa kung saan dinaluhan ito ng 38 indibidwal na kinabibilangan ng mga dating rebelde o Former Rebels (FRs) at dating mga miyembro ng Militia ng Bayan na ngayon ay nasa panig na ng pamahalaan.

Ang organisasyon na may adhikain na 'pagtutulungan sa pamamagitan ng mahigpit na kapatiran' ay nabuo sa tulong ng Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) upang mapalakas ang kampanya ng pamahalaan tungo sa hangarin na maging Communist Terrorist Group (CTG) Free ang lalawigan.

Ang KADRE ay binubuo ng tatlong cluster: ang north, central at south cluster na pinamumunuan nina Kadre Jevy del Valle, Kadre Jenesis del Valle at Kadre Jerick B. Avila. Samantala si Kadre Jerwin Castigador naman ang nahirang bilang over-all President ng nasabing samahan.

Isa sa layunin ng organisasyon na matulungan sa patuloy na pagbabagong-buhay ang mga FRs sa pag-alalay na rin ng PTF-ELCAC. Sa pamamagitan nito ay inaasahan din na mahikayat ang iba pang miyembro ng mga teroristang grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan.

Sina Atty. Teodoro Jose S. Matta, Director ng Peace and Order Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at si Retired Colonel Glenn B. Destriza ang tumatayong adviser ng KADRE.

Ang paglulunsad ng KADRE ay sinaksihan naman nina Department of Interior and Local Government (DILG)-Palawan Provincial Director Virgilio Tagle, Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail AblaƱa at iba pang miyembro ng PTF-ELCAC. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

https://pia.gov.ph/news/articles/1064557

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.