Posted to Kalinaw News (Jan 5, 2021): Walang humpay na operasyon ng militar nauwi sa pag-suko ng dalawang NPA
CAMP Siongco, Maguindanao – Dalawa na namang mga miyembro ng New People’s Army o NPA ang sumuko sa tropa ng militar sa Headquarters ng 7th Infantry (TAPAT) Battalion sa Brgy Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat, sa unang araw ng taong 2021.
Ayon kay 7IB Commanding Officer, Lt. Col. Romel Valencia na ang dalawang mga dating rebelde ay kapwa mga kasapi ng My Phone Platoon, East Daguma Front ng Far South Mindanao Region sa ilalim ng pamunuan ni Arthuro Arsigan alias Macmac.
Kasama sa mga isinuko ng dalawang mga dating NPA na hindi pinangalanan para sa kanilang seguridad ang bitbit nilang armas na dalawang M1 Garand (Springfield) converted M14 rifle.
“Hindi na namin kaya ang matinding gutom at pagod dahil sa patuloy na pagtugis sa amin ng mga sundalo”, wika ni alias Jonathan, isa sa mga sumukong NPA.
“Takot akong mamatay, hindi namin kaya ang pwersa ng mga sundalo, kaya napagdesisyonan naming sumuko na para makapagbagong buhay ngayong 2021”, giit ni alyas Umpak.
Sinabi ni 6th Infantry (KAMPILAN) Division at Joint Task Force Central Commander, Major General Juvymax Uy na ang pagsuko ng dalawa ay bunsod ng nagpapatuloy na military operations at air strikes ng tropa ng pamahalaan sa mga kuta ng rebelde.
“Nananawagan ako sa natitira pang mga rebelde na magbalik loob na sa gobyerno, handa kaming tutulong sainyu upang makabalik kayo ng maayos sa inyong pamilya at makapagbagong buhay”, pahayag ni Maj. Gen. Uy.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/walang-humpay-na-operasyon-ng-militar-nauwi-sa-pag-suko-ng-dalawang-npa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.