Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 19, 2020): Panawagan kaugnay ng pagsalanta ng bagyo sa hilagang Mindanao
MARCO VALBUENACHIEF INFORMATION OFFICER
COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES
DECEMBER 19, 2020
Ang mga Pulang mandirigma at organisasyong masa sa mga prubinsya ng Davao Oriental, Agusan Norte at Sur at sa Surigao del Norte at Sur ay pinakikilos ngayon upang alalayan ang ilampung libong magsasakang nasalanta ng mga malawakang pagbaha at pagguho ng lupa bunga ng bagyong Vicky.
Kalapin ang kinakailangang suplay na pangkagipitan tulad ng pagkain, tubig, damit at iba pa. Siguruhing makararating iyon sa masang sinalanta sa pinakaliblib na mga lugar.
Siguruhing ipatupad ang mga hakbangin upang tiyaking muling makabangon ang mga magsasaka na bago pa man ang bagyo’y nilulumpo na ng masidhing krisis sa ekonomya. Suportahan ang pakikibaka nila para sa ayuda, suspensyon sa upa at utang, makatwirang presyo sa produkto at iba pang kagyat na hakbangin.
Ang malawakang mga pagbaha sa kabila ng hindi kalakasang bagyo ay tanda nh labis na pagkawasak ng mga kagubatan at kabundukan dulot ng malawakang pagtrotroso at pagmimina. Kumilos para ihinto ang pandarambong sa kalikasan.
https://cpp.ph/statements/panawagan-kaugnay-ng-pagsalanta-ng-bagyo-sa-hilagang-mindanao/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.