Tuesday, December 1, 2020

Tagalog News: Pahayag ng NPA sa pagpatay sa opisyal ng Rizal, kinondena ng PTF-ELCAC

From the Philippine Information Agency (Dec 1, 2020): Tagalog News: Pahayag ng NPA sa pagpatay sa opisyal ng Rizal, kinondena ng PTF-ELCAC (By Leila B. Dagot)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis. 1 (PIA) -- Kinondena ng Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ang inilabas na pahayag ng New People’s Army (NPA) sa pamamagitan ng Bienvenido Vallever Command (BVC) hinggil sa kaso ng pagpaslang sa Municipal Planning and Development Officer ng Rizal na si Engr. Gregorio Baluyot.

Sa inilabas na opisyal na pahayag ng PTF-ELCAC, sinasabing hindi ito katanggap-tanggap sapagkat nagdudulot lamang ito ng karagdagang hinagpis sa mga naiwang pamilya ni Baluyot na sa kasalukuyan ay naghahanap pa ng hustisya.

Ayon pa sa pahayag ng PTF-ELCAC, paraan lamang umano ito ng NPA upang mapaniwala ang mga mamamayan ng lalawigan na malakas pa ang kanilang puwersa sa kabila nang mahina na sapagkat karamihan sa mga dating miyembro nito ay bumaba na sa kabundukan at nagbalik-loob na sa pamahalaan.

Ayon pa dito, propaganda lamang ng makakaliwang grupo ang kanilang muling pagpaparamdam dahil naalarma na umano ang rebeldeng grupo sa sunod-sunod na pagsuko ng kanilang mga kasamahan.

Nilinaw ng PTF-ELCAC na nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Baluyot, at tiniyak nitong mananagot sa batas ang sino mang may kagagawan sa pagpatay sa opisyal.

Ang pahayag na ito ng PTF-ELCAC ay kasunod ng kalatas na ipinalabas ng BVC, kung saan inaako nito ang ginawang pagpatay kay Baluyot dahil sa umano’y sumbong ng ilang nasa komunidad laban sa pinaslang na opisyal. (LBD/PIAMIMAROPA)

https://pia.gov.ph/news/articles/1060590

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.