Monday, August 17, 2020

Tagalog News: Proyektong makakatulong upang sugpuin ang local communist armed conflict sa rehiyon ng Caraga, patuloy na ipinapatupad

From the Philippine Information Agency (Aug 17, 2020): Tagalog News: Proyektong makakatulong upang sugpuin ang local communist armed conflict sa rehiyon ng Caraga, patuloy na ipinapatupad (By Nora C. Lanuza)


LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 17 -- Sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government o DILG, patuloy ang implementasyon ng mga proyektong may kaugnayan sa pagpapatupad ng Executive Order No. 70 upang tuluyang masugpo ang local communist armed conflict sa rehiyon ng Caraga.

Sa ginawang pagtitipon na dinaluhan ng mga local chief executives, local government opeartions officers, partner agencies at iba pang mga stakeholders upang mas mapalakas at mapadali ang pagpapatupad nito gumawa ng pagrereview ng mga aktibidades at mga proyektong ipapatupad at sa iba’t ibang barangay na tukoy ng pamahalaan sa pamamagitan ng retooled community support program (RCSP) ng DILG.

Ayon kay DILG Caraga regional director Lilibeth Famacion, patuloy na bibisita sa mga barangays katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang magbigay ng mga kaukulang interventions dito.


Dagdag pa ni director Famacion, walang barangay na maiiwan sa pag-unlad kahit paman may banta ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kalusugan. Lahat ng mga 80 barangays na tukoy ay makakatanggap ng proyekto, depende sa kanilang pangangailan.

Sinabi din Annabel Yangson ng DILG, marami ng nasimulan at natapos noong taong 2019 pero kinakailangan pang ipagpatuloy ang mga ito upang tuluyan ng makarating ang proyekto sa mga naturan glugar at makamit ang tunay na kapayapaan. Sa taong 2019 na-implementa ang RCSP sa 79 STG-affected barangays ng Caraga region.

Sa ngayon patuloy ang pagpapatupad ng mga proyekto at aktibidades sa mga tukoy na barangays ng rehiyon. (NCLM/PIA-Caraga)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.