Posted to Kalinaw News (Aug 18, 2020): 73IB nagsagawa ng training para sa mga Bagani
Malapatan, Sarangani Province – Pormal na sinimulan ng 73rd Infantry Battalion ang training para sa mga 60 na Bagani ng Brgy Datal Anggas at Brgy Spring, Alabel, Sarangani Province ngayong araw ng August 18, 2020.
Magkakaroon sila ng isang linggong pagsasanay sa marksmanship, military discipline, tamang paggamit ng baril at immediate action drills. Kasama din sa kanilang program of instruction ang mga talakayan ang Prevention and Control of COVID-19, First Aid, Backyard Gardening.
Sa ngalan ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, pinuno ng 73IB, pinasinayaan 1st Lt. Orestes Fausto ang naturang programa na kung saan kanyang nasabi na ang mga Bagani ang magsisilbing 24/7 na sundalo ng komunidad. “saludo ako sa kanila dahil wala silang hinihinging kapalit sa pagprotektang kanilang gagawin. ” saad niya.
Ang mga Bagani ay mga katutubong komunidad na nagboluntaryo upang protektahan ang lugar na kanilang nasasakupan laban sa mga teroristang NPA na nais silang linlangin at maghasik ng kaguluhan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/73ib-nagsagawa-ng-training-para-sa-mga-bagani/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.