Saturday, June 20, 2020

Tagalog News: 6CMO Bn personnel sumailalim sa journalism, communication seminar

From the Philippine Information Agency (Jun 20, 2020): Tagalog News: 6CMO Bn personnel sumailalim sa journalism, communication seminar (By PIA Cotabato City)



LUNGSOD NG COTABATO, Hunyo 20 (PIA) – Sumailalim kahapon ang nasa 20 mga sundalo na kabilang sa 6th Civil-Military Operations (6CMO) Battalion ng 6th Infantry Division, Philippine Army sa seminar na tinawag na Basics of Social Media Etiquette, Journalism, and Effective Communication.

Ang aktibidad ay isinagawa ng Philippine Information Agency (PIA) Region XII. Naging resource persons sina PIA XII assistant regional director Danilo Doguiles na nagbahagi ng kaalaman patungkol sa basic news writing at effective communication through social media at Oliver Ross Rivera, Information Officer II na tinuruan ang mga sundalo ng tamang paggamit ng social media at paggawa ng social media cards.

Ayon kay LTC Edgardo Vilchez, Jr., acting chief ng 6th Infantry Division Public Affairs Office at commanding officer ng 6CMO Battalion, ang nasabing seminar ay makatutulong upang malinang pa ang kakayahan ng tropa ng 6CMO Battalion pagdating sa mga nasabing paksa.

Aniya, mahalaga ito upang lalong makapagbigay-suporta ang 6CMO Battalion sa Joint Task Force Central sa pamamagitan ng paghahatid ng tama at maayos na impormasyon sa publiko.

Giit pa ni Vilchez, gayong ang pag-aaral ay isang tuloy-tuloy na proseso, ilang mga pagsasanay na ang napagdaanan at pagdadaanan pa ng mga kasundaluhan ng 6CMO Battalion. (LTBolongon-PIA Cotabato City)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.