Friday, May 29, 2020

Tagalog News: Mga guro, sundalo naghatid ng tulong sa mga katutubo sa DRT

From the Philippine News Agency (May 29, 2020): Tagalog News: Mga guro, sundalo naghatid ng tulong sa mga katutubo sa DRT (By Vinson F. Concepcion)

LUNGSOD NG MALOLOS, Mayo 29 (PIA) -- Hinatiran ng tulong ng mga guro mula sa Department of Education Indigenous Peoples Education Program at Army 48th Infantry Battalion ang mga mag-aaral na Dumagat sa Donya Remedios Trinidad.

Personal na hinatid ang 22 sako ng bigas at iba pang relief goods sa Pinag-anakan Elementary School, Basyo Elementary School at Anuling Elementary School bilang ayuda habang nasa krisis ng COVID-19.


Hinatiran ng tulong ng mga guro mula sa Department of Education Indigenous Peoples Education Program at Army 48th Infantry Battalion ang mga mag-aaral na Dumagat sa Donya Remedios Trinidad. (Army 48th Infantry Battalion)

Ayon kay Army 48th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Felix Emeterio Valdez,ang aktibidad ay nagpapakita na hindi lamang limitado sa loob ng silid aralan ang maaring gawin ng mga guro kung hindi maari rin sa ganitong klase ng relief operation.

Isa rin itong istratehiyang nakapaloob sa government approach to end local communist armed conflict na maibigay ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan nakalaan sa mga katutubo. (CLJD/VFC-PIA 3)

https://pia.gov.ph/news/articles/1043279

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.