LUNGSOD NG BUTUAN, Enero 24 (PIA) - Nagtipon-tipon ang non-government organizations (NGOs) kasama ang ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan upang talakayin ang mga kinakaharap na isyu at concern ng lipunan at makabuo ng mga naaayon na paraan upang matugunan ang mga ito.
Bahagi pa rin ang hakbang na ito ng pagpapatupad ng Executive Order 70 o ang whole-of-nation approach sa pagtugon sa mga isyu at concerns, maging ang local communist armed conflict sa rehiyon ng Caraga.
Sa nasabing pagpupulong, naging pangunahing isyu ang terorismo at violent extremism.
Ayon kay Joel Dizon, program manager ng NGO na Equal Access International, mahalaga ang pagkakaroon ng Messaging Hub sa rehiyon dahil magsisilbi itong platform para sa lahat ng sektor na sa pamamagitan ng information sharing online, radio programs, publications at iba pang aktibidad, ay maipaabot sa kanila ang mga impormasyon na dapat nilang malaman partikular na ang mga solusyon sa pagsugpo ng terorismo at violent extremism.

“Sa pamamagitan ng Media Hub, magtutulungan ang bawat sektor para sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at mga paraan o hakbang para sa pagtugon ng problema sa rehiyon patungkol sa insurgency at violent extremism,” ani ni Dizon.
Ayon kay Raxiey Adolfo, executive director, Surigao Youth Convergence, malaki rin ang papel ng mga kabataan sa hakbang na ito. “Hangad ng mga kabataan na makalahok sa ganitong inisyatibo ng pamahalaan kasama ang iba pang sektor upang matugunan ang magkakaibang isyu at concern sa mga barangay,” banggit niya.
Ipinaalala naman ni Erwin Mascariñas, isang journalist/ caraga correspondent mula sa Philippine Daily Inquirer at Union of Catholic Asian News, ang tungkulin at responsableng pamamahayag at pagbabalita ng media practitioners sa mga isyung kanilang tinatalakay sa paraang hindi ito mas magdulot pa ng kaguluhan sa komunidad. (JPG/PIA-Caraga)
https://pia.gov.ph/news/articles/1033497
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.