Sunday, December 22, 2019

CPP/NPA-Sorsogon: Parangal ng CMC BHB-Sorsogon sa apat na Pulang mandirigmang martir

NPA-Sorsogon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 22, 2019): Parangal ng CMC BHB-Sorsogon sa apat na Pulang mandirigmang martir

SAMUEL GUERRERO
NPA-SORSOGON
CELSO MINGUEZ COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
DECEMBER 22, 2019

PINARARANGALAN ng Celso Minguez Command-NPA Sorsogon ang apat na Pulang mandirigma na nagbuwis ng buhay sa nangyaring sagupaan sa Gabod, Bulan, Sorsogon nitong Disyembre 15. Magiting nilang hinarap ang magkasanib na pwersa ng 31st IBPA at PNP Mobile Force Company na sumalakay sa kanila upang tiyakin ang ligtas na pag-atras ng kanilang kasamahan.

Sina Robert Estiller (Ka Mio), Gaspar Gracela (Ka Gabby), Eddison Omrog (Ka Lito) at si Ka Poy ay mga bayaning walang pag-iimbot na nag-alay ng kataas-taasang sakripisyo sa pagsusulong ng rebolusyon.

Hindi matatawaran ang panahong isinerbisyo nila bilang mga pultaym na mandirigma ng bayan. Hindi sila malilimot ng masa at mga kasamang nakahalubilo at nakaisa nila sa buhay-at-kamatayang pakikibaka.

https://cpp.ph/statement/parangal-ng-cmc-bhb-sorsogon-sa-apat-na-pulang-mandirigmang-martir/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.