Press Conference ng Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), kung saan iniharap sa mga mamamahayag ang walong miyembro ng New People's Army (NPA) na sumuko sa Joint Task Force Peacock ng 3rd Marine Brigade. (Larawan ni Leila B. Dagot/PIA-Palawan)
PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 8 (PIA) --Tiniyak ni Governor Jose Chaves Alvarez, chairman ng Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ang kaligtasan ng walong sumukong pinuno at mga miyembro ng New People's Army (NPA) sa lalawigan kamakailan.
Sa Press Conference, sinabi ni Alvarez na nakahanda ang gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng mga ito, maging ng kanilang pamilya upang ma-proteksyunan mula sa posibleng panganib dulot ng kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan.
Aniya, bukas ang palad ng lokal man at nasyonal na mga ahensiya ng gobyerno na bumubuo sa PTF-ELCAC para sa sino mang kasapi ng rebeldeng grupo na sumuko na at magbagong-buhay.
Sinabi ni Alvarez na nakahanda ang pamahalaan na suportahan ang pangangailangan ng mga susuko, maging ng kani-kanilang pamilya, pagdating sa aspetong pananalapi at seguridad.
“We have enough funds in the provincial government to start them in their new life, and the military as well will secure them, and provide them with all assurances that they will not be harm by external forces… (Mayroong sapat na pondo ang pamahalaang panlalawigan upang makapagsimula sila sa panibagong buhay, maging ang mga sundalo ay iingatan sila, at bibigyan ng katiyakan ng kaligtasan mula sa ano mang panganib),” pahayag ni Alvarez.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Vice Admiral Rene Medina, commander ng Western Command (WesCom), at co-chairman ng PTF-ELCAC ang tropa ng pamahalaan na nagtrabaho at nasa likod ng pagsuko ng mga dating miyembro ng NPA, maging ang pamilya ng mga ito na humihikayat sa kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno.
Tiniyak din ni Medina na tutulong ang gobyerno upang makamit ng mga ito ang kaloob na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Kamakailan lang, boluntaryong sumuko sa Joint Task Force Peacock ng 3rd Marine Brigade ang pinaka-mataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa Palawan, kasama ang pito pa nitong miyembro.
Sa Press Conference ng PTF-ELCAC, kung saan iniharap sa mga mamamahayag ang walong sumuko, sinabi ng pinuno nito na isa sa pinakamalalim nilang dahilan ng pagsuko ay ang kanilang pamilya, na madalas tumatawag sa kanila at nakikiusap na huminto na sa gawain ng mga makakaliwang grupo.
Bukod pa dito, naniniwala sila na sa kasalukuyan ay seryoso ang gobyerno sa pagkakaloob ng mga programa at proyekto na tutugon sa mga pangangailangan at daing ng mga mahihirap.
Inihayag din niyang dalawang beses na siyang nag-planong sumuko dahil sa hindi magandang kalagayan ng kaniyang kalusugan, subalit hindi aniya siya makahanap ng mamamagitan upang mailapit siya sa mga awtoridad.
Samantala, isinuko rin ng walo ang kani-kanilang mga armas, na base sa programa ng pamahalaan ay may kaakibat ding halagang ipagkakaloob sa mga ito. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.