Tuesday, October 29, 2019

WESCOM: Mga NPA na suspek sa pagsunog sa mga makinarya sa S. Española, timbog sa pinagsanib na puwersa ng PTF-ELCAC

Posted to the Western Command (WESCOM) Facebook Page (Oct 27, 2019): Mga NPA na suspek sa pagsunog sa mga makinarya sa S. Española, timbog sa pinagsanib na puwersa ng PTF-ELCAC

Image may contain: 1 person

https://www.facebook.com/ptfelcac/photos/pcb.121879922559876/121879842559884/?type=3&theater

Image may contain: outdoor

https://www.facebook.com/ptfelcac/photos/pcb.121879922559876/121879885893213/?type=3&theater



Huli ang tatlong miyembro ng New People's Army (NPA) na sila ring suspek sa panunog sa makinarya ng isang kompanya noong ika-25 ng Oktubre, dalawang araw matapos ang panununog, Kahapon, ika 27-Oktubre habang nagpapatrolya ang pinagsanib-pwersa na tropa ng Marines mula sa Marine Battalion Landing Team-4 at PIB, PPO sa Brgy Maasin, Brookes Point, Palawan.


Sa nakalap na impormasyon, ang tatlong miyembro ng NPA ay itinuturong may direktang partisipasyon sa pagsunog ng mga makinarya ng Citi Nickel. Kinilala ang mga ito na sina KOLAN BADBAD, 26 Y/O; JUN PABLO GARZON, 31 Y/O; at NERLITO IMON, 36 Y/O, na napag-alamang may anak na sumama sa mga teroristang grupo ng NPA noong isang buwan at kinilalang si MELIN IMON, 15 Y/O, isang estudyante ng ALS sa Maasin. Nakuha sa tatlo ang mga sumusunod: shotgun na may limang bala; cal .38 revolver na may limang bala; rifle grenade; at 30 pirasong bala ng M16. Nakuha din sa tatlo ang isang cellphone na naglalaman ng mahahalagang mensaheng may kaugnayan sa mga transakyon at bukas na kuminikasyon kay Ka Allan, na siyang lider sa nasabing panununog.

Ang pagkakahuli sa mga kasapi ng NPA ay isang nanamang katunayan ng lantarang pagre-recruit ng teroristang grupo ng mga menor-de-edad.

Patuloy na ginagalugad ng mga marines at PNP ang lugar kung saan nahuli ang mga miyembro ng NPA upang matuldukan na ang kanilang pamiminsala at pang-aabuso sa mga mahihirap nating kababayan.

Kinondena ng mamamayan ng Brookes Point ang karahasang ginagawa ng NPA. Nagpaabot sila ng suporta at kooperasyon sa mga ginagawa ng tropa ng pamahalaan upang lalong mapabilis ang pagkakahuli sa mga terorista.

Sa panig ng WESCOM, pinapaabot naman nito sa mamamayan ng Palawan ang pasasalamat sa mga impormasyong kanilang ibinabahagi upang higit na mapabilis ang pagtugis sa mga terorista. Kaya't nananawagan ang AFP na sumuko ng maayos ang bawat NPA at ibaba ang kanilang armas upang mabigyan sila ng pagkakataon sa pagbabagong buhay.

Ang mga nahuling NPA ay binigyan muna ng medical and physical check-up at maayos na sinumete sa kustodiya ng Palawan Provincial Police Office, ngayong umaga, ika-28 Oktubre, 2019.

https://www.facebook.com/wescom/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.