Ilang mga gamit na nakuha sa nahuling mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Palawan noong Oktubre 4. (Larawan mula kay Ruth Rodriguez)
PUERTO PRINCESA, Palawan -- Pinuri ni Western Command (WESCOM) Commander Vice Admiral Rene V. Medina ang kanyang mga tauhan at ang kapulisan ng Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan sa pagkakahuli ng tinaguriang isa sa mga lider ng New People’s Army (NPA) sa Palawan na kinilalang si Domingo Ritas alyas Ka Dino at ang anim pang kasamahan nito.
Ayon kay VAdm. Medina, nais nitong bigyan ng komendasyon ang kanyang tropa at ang kapulisan sa matagumpay na operasyon sa pagkakahuli ng nasabing mga NPA na malaki ang naiambag sa kampanya ng ating pamahalaan na mawakasan ang armadong pakikibaka hindi lamang sa Palawan maging sa buong bansa.
Si Ritas na tinaguriang Deputy Secretary ng Sub-Regional Military Area (SRMA) o itong Bienvenido Vallever Command (BVC) at ang mga kasamahan nito ay nahuli noong gabi ng Oktubre 4 sa isang checkpoint sa kilometer 6, North National Highway ng Bgy. San Jose, Puerto Princesa kaugnay ng isinagawang joint operation ng Wescom, PNP-Puerto Princesa at PNP-Palawan.
Si Ritas ay isang wanted person dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang ‘Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act’. Kasama nitong nahuli ang tatlong babae at tatlo pang lalaki na kinumpirma ng Wescom na mga miyembro ng NPA sa Palawan.
Base sa ulat na inilabas ng PNP-Mimaropa Regional Police Office ang mga nahuling miyembro ng NPA ay bumiyahe mula sa Bgy. Caruray sa Bayan ng San Vicente, Palawan sakay ng isang pribadong sasakyan at patungo sana sa bahaging sur ng lalawigan.
Nakuha sa mga ito ang mga sumusunod: isang caliber 9mm pistol na mayroon dalawang magazines na puno ng bala, rifle grenades, time fuse, blasting cups, improvised galvanometer, batteries, MK2 hand grenades, improvised hand grenade, mga electronic gadgets tulad ng laptop at cellphone, iba’t-ibang klase ng gamot, backpacks, duyan, uniporme ng pulis at military, mga damit pang-sibilyan, mga subersibong dokumento, NPA uniforms at National Democratic Front Flags.
"Ang Wescom ay patuloy na makikiisa at makipagtulungan sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para sa proteksiyon ng mga tao at mga pamayanan laban sa mga hindi kumikilala sa batas at mga grupo ng mga komunistang terorista upang mapigilan ang kanilang harangin na maghasik ng kaguluhan sa Palawan na malaking hadlang sa isinusulong na kapayapaan, seguridad, at pag-unlad ng probinsya", sabi ni Medina.
Patuloy din aniya nilang hinihimok ang natitira pang mga miyembro ng CPP-NPA na piliin ang landas ng kapayapaan. Nawagan ito sa kanila na magbalik-loob na sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagbaba ng kanilang mga sandata at pagsuko.
"Ang Wescom kasama ang mga ahensiya ng gobyerno ay handa silang tulungan na makabalik sa kanilang mapayapang pamumuhay kasama ang kani-kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay”, dagdag ni Medina . (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)
https://pia.gov.ph/news/articles/1028333

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.