Ang mga dating rebelde sa Palawan na tumanggap ng tulong pinansiyal kahapon mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng DILG at Local Social Integration Program (LSIP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan. (Larawan mula sa WESCOM)
PUERTO PRINCESA, Palawan -- Tumanggap ng tulong-pinansiyal mula sa programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Local Social Integration Program (LSIP) ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan ang pitong mga dating rebelde sa Palawan kahapon.
Anim sa mga ito ang tumanggap ng tig-P25,000 mula sa LSIP at isa naman ang tumanggap ng P65,000 mula sa E-CLIP.
Ayon kay Carol Naluz, Local Government Operation Officer ng DILG-Palawan, tatlong former rebels (FRs) ang nakatakda sanang tumanggap ng tulong-pinansiyal mula sa programang E-CLIP ng DILG ngunit isa lamang ang nakarating kahapon.
Samantala, 14 naman na mga FR ang nakatakda sanang tumanggap ng tulong-pinansiyal mula sa LSIP ng pamahalaang panlalawigan ngunit anim lamang ang nakarating, dagdag pa ni Naluz.
Ang mga dating rebelde sa Palawan na sumailalim na sa repormasyon ang nabibigyan ng tulong-pinansiyal ng pamalaan mula sa E-CLIP at LSIP.
Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail Ablaña, simula noong 2013 hanggang Setyembre 26, 2019 ay mayroon nang naitatalang 120 mga rebelde ang sumuko sa Palawan at 101 sa mga ito ang tumanggap na ng tulong-pinansiyal.
Ani Ablaña, umaabot na sa kabuuhang halaga na P8,763,450 ang tulong pinansiyal sa naipamahagi sa mga FR mula sa CLIP at LSIP.
Katuwang ng DILG at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pagsasagawa ng integration program sa mga dating rebelde ang Western Command (WESCOM), PSWDO, Office of the Provincial Agriculturist (OPA), Tesda, Department of Agriculture (DA), at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Patuloy naman ang panawagan ni Wescom Commander Vice Admiral Rene V. Medina at ng Palawan Task Force–End Local Communists Armed Conflict (ELCAC) sa mga natitira pang mga miyembro ng ‘communist terrorist groups’ sa Palawan na sumuko na at magbalik-loob sa pamahalaan upang magkaroon ang mga ito ng matiwasay na pamumuhay kasama ng kanilang mga mahal sa buhay. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)
https://pia.gov.ph/news/articles/1029134

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.