Tuesday, October 1, 2019

Tagalog News: AFP Joint Exercise 'Dagat Langit Lupa' isinagawa sa Palawan

From the Philippine Information Agency (Oct 1, 2019): Tagalog News: AFP Joint Exercise 'Dagat Langit Lupa' isinagawa sa Palawan



Scenario sa isinagawang AJEX DAGIT-PA 03-19 sa pagitan ng Philippine Navy at Philippine Air Force sa Palawan kamakailan kung saan tinutugunan ang mga banta sa karagatan tulad ng 'sea jacking', pamimirata at human trafficking. (larawan mula sa Naval Forces West)

PUERTO PRINCESA, Palawan -- Isinagawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Exercise Dagat Langit Lupa o ‘AJEX DAGIT-PA 03-19’ kamakailan sa Lungsod ng Puerto Princesa at ilang bahagi ng lalawigan ng Palawan.

Dito ay sinanay ang mga tauhan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas mula sa Naval Forcest West (NAVFORWEST) at Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas mula sa Tactical Operation Wing West (TOW West) upang palakasin ang kakayahan ng mga ito sa paglaban sa mga bantang pandagat, panlupa at panghimpapawid.


Ito ay sa pamamagitan ng AFP Joint Exercise Dagat Langit Lupa o ‘AJEX DAGIT-PA 03-19’ na isinagawa kamakailan sa Lungsod ng Puerto Princesa at ilang bahagi ng lalawigan ng Palawan.

Featured Image

Ayon sa press release ng Navforwest, ang nasabing pagsasanay ay kinapalooban ng kaalaman sa pagmamasid, pagsusubaybay at pagmamatyag sa dagat, lupa o sa himpapawid man.

Kasama rin sa pagsasanay ang search and rescue operation kung saan ang scenario ay ang pagbagsak ng isang eroplano na kailangang hanapin at iligtas ang piloto nito.

Maging ang pag-protekta sa Gas Oil Platform (GOPLAT) sa Malampaya area ay kasama sa pagsasanay.

Ang pinag-isang pagsasanay na ito ay taunang isinasagawa ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa kanyang mga sangay tulad ng Hukbong Panghimpapawid (Philippine Air Force), Hukbong Dagat (Philippine Navy), at Hukbong Katihan (Philippine Army).

Ginamit din sa pagsasanay ang tatlong FA-50 fighter jets ng PAF. Bahagi ito ng 12 FA-50 fighter jets ng Pilipinas mula sa bansang Korea.

Hangad din ng pagsasanay na ito na mas mapaigting pa ang maritime security ng lalawigan ng Palawan. (OCJ/PIA4B-Palawan)

https://pia.gov.ph/news/articles/1027737

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.