BAYAN NG TAGO, Surigao del Sur, Setyembre 5 (PIA) -- Matagumpay ang ginawang boluntaryong pagsuko dala ang mga armas ng armadong grupo na pinamumunuan ni Jasmen Acevedo alyas “Datu Jasmen” kasama ang siyam na kasamahan nito na ipinipresenta sa mga media nuong Lunes, Setyembre 2, 2019 sa 36th Infantry Battalion Headquarters, Barangay Dayo-an, Tago.
Ito ay matapos ang ilang serye ng diayalogo sa pamamagitan ng mapayapang negosasyon na ginawa ng mga kinauukulan.
Ang grupo ni Datu Jasmen ay mga lumad na residente ng Barangay Umalag na sakop ng bayan ng San Miguel.
Ayun sa militar, ang mga ito ay dating mga kaanib ng NPA na nagbalik loob na sa gobyerno.
Isinuko ng nasabing grupo ang mga sumunod: isang M16 rifle, isang Carbine rifle, tatlong homemade shotguns at dalawang .45 na calibre ng baril.
Ayon kay Datu Jasmen, kaya sila ay gumamit ng armas ay dahil na rin sa banta ng mg NPA na nais kamkamin ang lupain ng kanilang mga ninuno.
Sinabi ni Datu Jasmen na sila ay mga “Bagani” ng kanilang tribong Manobo sa kanilang lugar, na kumakampi sa ating gobyerno.
Para na rin sa kanilang seguridad, ang grupo nila ay dinala sa headquarters ng 36IB, sa bayan ng San Miguel kasama ng mga lokal na opisyal, mga pulis, sundalo at IP leaders na tumutulong sa negosasyon.
Dito na rin pormal na inihain ang warrant of arrest sa nasabing grupo na binasa at ipinaliwanag sa kanila ni Police Lt. Colonel Allan Macapagal, ang Deputy Provincial Director for Operation (DPDO) ng Police Provincial Office (PPO) ng Surigao del Sur.
Ang mga sumuko ay nahaharap sa kasong “three counts of robbery with homicide” base sa pinalabas na warrant of arrest noong December 5, 2012 ni Presiding Judge Rufo Naragas. (PIA-Surigao del Sur)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.