NPA-CAMARINES NORTE
ARMANDO CATAPIA COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
SEPTEMBER 29, 2019
Mariing kinokundena ng Armando Catapia Command (ACC) – NPA Camarines Norte ang pamamaslang ng 83rd IB PA sa dalawang mangingisda sa Jose Panganiban, Catanduanes nitong Setyembre 23, 2019 . Marubdob na nakikidalamhati ang ACC sa pamilya ng mga biktima at kanilang mga naulila at kaisa sa kanilang paghahangad ng katarungan.
Para pagtakpan ang krimen, pinalabas ng militar na isang engkwentro ang naganap sa pagitan nila at ng yunit ng NPA na mariin namang pinabulaanan ng Nerissa San Juan Command. Hindi na bago ang katulad na senaryo sa ilalim ng rehimeng US-Duterte. Ang laganap na pagpatay sa hanay ng sibilyang populasyon ay nagiging pangkaraniwan sa ilalim ng rehimeng US-Duterte na walang paggalang sa karapatang-tao. Hindi pa nga nabibigyan ng katarungan ang mga pinaslang ng militar sa iba’t ibang panig ng Kabikulan , katulad ng brutal na pagpatay ng 96th IBPA sa 3 magsasaka sa Patalunan, Ragay Camarines Sur noong Mayo 2018, matapos ang engkwentro sa NPA, ito ay dagdag na naman sa mahabang listahan ng pamamaslang ng militar sa hanay ng mga sibilyang protektado ng Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa Karapatang-tao at Internasyunal na Makataong Batas. Kung saan nakasaad sa napagkasunduang batas ng GRP at NDFP na:
“Ang sibilyang populasyon at mga sibilyan ay itatrato bilang sibilyan at ipag-iiba sa mga mandirigma at, kasama ang kanilang ari-arian, ay hindi maaaring atakihin. Sila ay pangangalagaan laban sa walang habas na pambobomba mula sa himpapawid, istraping, panganganyon, pagmomortar, panununog, pambubuldoser at iba pang katulad na anyo ng pagwasak sa mga buhay at ari-arian, paggamit ng mga pampasabog gayundin ng pag-iipon ng baril, bala, pampasabog atbp. sa malapit sa kanila o sa gitna ng hanay nila, at sa paggamit ng mga sandatang kemikal at bayolohikal kung saan nasaad na walang sibilyan na dapat madamay sa mga armadong tunggalian”.
Ang karahasan at brutalidad ng militar at pulis ay ibinunga ng reaksyunaryong sistema at umiinog sa loob mismo ng sistemang ito. Ang mga opisyal ng AFP at PNP ay hinuhubog sa mekanismo ng karahasan. Ipinakita ito sa masaklap na pangyayari sa isang kadete ng PMA na si Darwin Dormitorio na nasawi dahil sa matinding pahirap sa kamay ng kapwa niya kadete. Ang PMA ay tila isang makinaryang lumilikha ng animo’y mga “halimaw” , na sa kalauna’y magwawasiwas ng karahasan sa sibilyang populasyon sa panahong makapagtapos na sila sa pamantasang militar at maging bahagi ng liderato ng reaksyunaryong armadong pwersa ng Pilipinas.
Sa gitna ng ganitong kalagayan dapat maghanda ang mamamayan dahil walang pinipiling biktima ang tila asong ulol na AFP at PNP na ikinukumpas ng kanilang among si Duterte. Ang panghahalihaw ng AFP sa mga lugar kung saan naroon ang kanilang pokus ng operasyong militar, kaakibat ang Peace and Development Teams (PDT) at Community Support Program (CSP) sa mga komunidad at patuloy na naghahasik ng karahasan sa mga sibilyang populasyon. Ang pagkakabuo ng Joint task Force ng AFP at PNP sa ambisyong wakasan di umano ang local communist armed Conflict ay mangangahulugan ng ibayong karahasan at magdudulot ng higit pang panganib at bulnerabalidad ng mamamayan.
Dapat magkaisa ang mamamayang Bikolano na labanan ang sistema ng pagbalewala sa likas at lehitimong mga karapatan ng mamamayan. Nanawagan ang ACC sa mga nasa midya, taong simbahan, mga propesyunal at sa lahat na maging mapagbantay at maging alerto laban sa mga karahasan at mga paglabag karapatang-tao. Dapat panagutin at singilin ang rehimeng US- Duterte sa napakahabang listahan ng paglabag sa mga karapatang-tao at Internasyunal na Makataong Batas.
83rd IB PA, Berdugo!
Rehimeng US-Duterte No.1 Terorista!
CARHRIHL , Ipatupad!
Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.