BUTUAN CITY -- Handang kupkopin ng probinsya ng Agusan del Norte ang mga rebelde na gustong magbalik loob sa gobyerno at mabuhay ng mapayapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sa katunayan, ipinapatayo na ang isang halfway house upang maging pansamantalang maging tahanan ng mga gustong magbalik sa gobyerno. Ito ay isang transition home at rehabilition center para sa mga former rebels at militia ng bayan.
Ayon kay Ali Kazim Marcaban, coordinator ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP Agusan del Norte, patuloy ang pagpapatupad ng e-clip sa probinsya kung saan ito ay nagbibigay ng psychosocial interventions, gumagawa ng individual case management sa bawat former rebels, pinafacilitate ang chosen livelihood project ng mga ito at tinutulongan silang ecapacitate ang kanilang reintegration sa kumonidad.
Maliban ito sa binibigay na financial assistance sa mga former rebels.
Maliban ito sa binibigay na financial assistance sa mga former rebels.
Nanawagan din si dating Ka Tina/Ka Jorge/Ka Yolly at political officer ni Sotero Llamas sa Bicol regional party committee na si Agnes Lopez Fernadez sa mga dati nyang kasamahan sa bundok na bumaba na at magkaroon ng normal na pamumuhay.
Ayon pa kay Fernandez, may magandang programa ang gobyerno para sa kanila at magkakaroon pa ng mapayapang buhay kapiling ang mga mahal sa buhay.
Bilang isang former rebel o FR, malaki ang pasalamat ni Fernadez sa probinsya ng Agusan del Norte sa mga ginagawang tulong lalo na ang pagbibigay ng pondo at mga programa para sa kapwa nya FRs.
Samantala ginanap din ang isang formulation workshop para halfway house manual of operations para sa maayos na implementasyon ng halfway house sa susunod na taon. (NCLM/PIA Agusan del Norte)
https://pia.gov.ph/news/articles/1024374

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.