Thursday, June 6, 2019

Tagalog News: 150 Aeta sa Capas nakinabang sa AFP outreach activity

Posted to the Philippine Information Agency Website (Jun 6, 2019): Tagalog News: 150 Aeta sa Capas nakinabang sa AFP outreach activity



Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines 1stCivil Relations Group Deputy Commander Major Noel Tagao (kaliwa) ang pamamahagi ng libreng gamit pang-eskwela sa mga Aetang mag-aaral ng Sitio Tarukan Elementary School ng Sta. Juliana, bayan ng Capas. (AFP 1st Civil Relations Group)

CAPAS, Tarlac -- May 150 Aeta mula sa Sitio Tarukan, barangay Sta. Juliana sa bayan ng Capas ang nakinabang sa Outreach Activity ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Nagkaroon ng libreng check-up at pamamahagi ng libreng gamot, school supplies at relief goods.

Ayon kay AFP 1st Civil Relations Group Deputy Commander Major Noel Tagao, ang aktibidad ay parte ng immersion phase ng Strategic Civil Military Operation ng kanilang Non-Commissioned Officer Course.

Napili aniya ang Sitio Tarukan dahil nais nilang mapaglingkuran ang komunidad katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.

Naniniwala ang mga kasundaluhan na sa pamamagitan ng bayanihan ay kayang magtatag ng magandang kinabukasan para sa mga kabataan na magsisilbing pag-asa ng inang bayan.

Binigyang diin pa niya sa mga residente na ang gobyerno ay handang maglingkod at tumulong sa mamamayan na hindi tumitingin sa anyo, kasarian, tribo at katayuan sa buhay dahil lahat ay Pilipino na may isang bandila at lahing kinikilala.

Samantala, inihayag naman ng lider ng naturang komunidad na si Lito Diaz ang kanyang pasasalamat sa community assistance program ng pamahalaan.

Aniya, isang malaking bagay sa kanilang mga aeta na mapili upang tumanggap ng naturang serbisyo.

Dagdag pa niya, kanilang masasabi na bagkus napakalayo ng kanilang lugar ay hindi pa rin sila nakakalimutan ng gobyerno.

https://pia.gov.ph/news/articles/1022900

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.