Friday, June 14, 2019

CPP/NPA-Central Negros: Mabangis na asset ng PNP at illegal drug dealer pinarusahan

NPA-Central Negros propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 14, 2019): Mabangis na asset ng PNP at illegal drug dealer pinarusahan

JB REGALADO
NPA-CENTRAL NEGROS (LEONARDO PANALIGAN COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
JUNE 14, 2019

Tagumpay ang pagpapatupad ng SPARU team ng LPC-NPA ng parusang kamatayan kay Rosemar Melancolico ng Brgy. Buenavista, Guihulngan City, Negros Oriental noong June 6, 2019, 9:25 ng gabi sa harap ng Brgy. Hall ng nasabing baryo.

Si Rosemar, isang malakas na asset ng PNP na direktang hinahawakan ni PNP Fermin Jacobe ng Guihulngan City. Isa rin siya sa mga aktibong drug dealer na nag-ooperate sa Guihulngan City, La Libertad at Jimalalud lahat sakop sa Negros Oriental. Imbolbado rin sya sa mga operasyon ng PNP at military na lumalabag sa karapatang-tao ng sambayanan.

Ang Revolutionary People’s Court, apat na beses nang nagbabala sa kaniya na tumigil sa anti-sosyal na aktibidad kagaya ng pabebenta ng droga ngunit sa kabila nito mas bumagsik ito at nagpapagamit sa mersenaryong AFP at PNP para sa paniniktik ng kilos ng mga rebolusyonaryong pwersa sa lugar upang mabigyan ng proteksyon ng PNP at AFP pareho ng proteksyon na ibinigay nila sa maraming mga druglords at drug dealer.

Naging aktibo siya sa kontra-kilusang aktibidad pareho ng pagkigkolabora nito sa PNP at Duterte Death Squad sa mga Extra-Judicial killings sa Guihulngan City. Imbolbado rin sya sa pagpatay kay Heide Flores at Richard “Don2” Bustamante Jr. Isa rin siya sa Identified sa mga sumama sa marahas na Oplan Sauron 1 o Synchronize Enhance Managing Police Operation (SEMPO) sa Brgy. Buenavista Guihulngan City noong December 27, 2019.

Si Rosemar Melancolico isa lamang sa mga may pananagutan sa rebolusyonaryong kilusan na mga mababangis na asset ng PNP, Duterte Death Squad at AFP laluna ng 11th IB PA na bago na naman bumalik sa Guihulngan City para sa mas marahas na pagpapatupad ng de facto martial law.

Ang LPC-NPA patuloy na mapapatupad ng desisyon ng Rebolusyonaryong Korte ng Mamamayan sa pagpaparusa sa mga bayaran at may mga utang na dugo sa sambayanan gayundin sa pagsingil sa utang na dugo ng pasista at teroristang 11th IBPA sa mamamayan.

Hustisya para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao!

https://www.philippinerevolution.info/statement/mabangis-na-asset-ng-pnp-at-illegal-drug-dealer-pinarusahan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.