Monday, May 27, 2019

CPP/NPA-Masbate: Atake at Karahasan sa mamamayang Masbatenyo nagpapatuloy sa ilalim ng 2nd IBPA, 9th IDPA at PNP Masbate

NPA-Masbate propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 23, 2019): Atake at Karahasan sa mamamayang Masbatenyo nagpapatuloy sa ilalim ng 2nd IBPA, 9th IDPA at PNP Masbate

LUZ DEL MAR
NPA-MASBATE (JOSE RAPSING COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
MAY 23, 2019

Muli na namang naghasik ng takot at pangamba sa seguridad at kabuhayan ng mga tao ang grupo ng 2nd IBPA, 9th IDPA at PNP Masbate nang lusubin nito ang mga kabahayan sa isang sitio sa Brgy. Dalipe, Cawayan, Masbate nitong ika-20 ng Mayo.

Iligal na pinasok ang ilang mga kabahayan, pinaghahalughog ang mga gamit at kalaunan ay pinagdadampot ang mahigit labing isang (11) kalalakihan kahit walang mandamyento de arestong hawak ang mga sundalo at kapulisan. Dahil sa pangyayari ay malaking bilang ng mga sibilyan ngayon sa lugar ng pinangyarihan at maging sa kalapit na barangay ng Brgy. Calumpang, Cawayan ang takot na takot na baka pati sila ay mapagbalingan ng mga sundalo at pulis.

Samantala , ayon sa pinakahuling balita ang labing isang katao na iligal na inaresto na kinabibilangan nila Danilo Kaboy Landao; Arnel Bongbong Punay; Ryan Cortes; Jovanie Impas; Bobby Baybayon; Ondo Rondina; Tongtong Pianar; Titing Delos Reyes; Onyot Impas,; Ondoy Pianar at Boyboy Sayre ay nasa kamay ng mga sundalo at pulis na pansamantalang nakahimpil sa isang palaisdaan na pag-mamay ari ng isang Paner sa So. Jamorawon, Brgy. Dalipe, Cawayan. Batay sa ilang nakakita ay ilan sa mga dinampot ang sinasaktan at tinatakot na papatayin kung di ituturo ang mga lugar ng mga NPA.

May kinuha ding alagang baboy ang mga sundalo at pulis para ihawin kahit pa tumututol ang may-ari.

Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mga opisyal ng bayan ng Cawayan, Masbate na tulungan niyo ang inyong mga kababayan na nasa bingit ngayon ng kapahamakan sa kamay ng pasisitang sundalo at pulis.

Digmang bayan ang magbibigay hustisya sa mga biktima ng karahasan na kinasasangkutan ng 2nd IBPA, 9th IDPA at PNP Masbate.

Mamamayan lumahok sa Digmang Bayan!
Digmang Bayan, sagot sa tumitinding atake na dulot ng pasistang estado!
Sampa na sa Bagong Hukbong Bayan!

https://www.philippinerevolution.info/statement/atake-at-karahasan-sa-mamamayang-masbatenyo-nagpapatuloy-sa-ilalim-ng-2nd-ibpa-9th-idpa-at-pnp-masbate/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.