Saturday, March 23, 2019

NDF/NPA-Quezon: Rebolusyunaryong hustisya sa mga biktima ng pagsasamantala sa kababaihan ni Cesar Umali!

NPA-Quezon propaganda statement posted to the National Democratic Front Philippines (NDFP or NDF) Website (Mar 23, 2019): Rebolusyunaryong hustisya sa mga biktima ng pagsasamantala sa kababaihan ni Cesar Umali!

Apolonio Mendoza Command
New People’s Army
Lalawigan ng Quezon
Marso 2019

1. Batay sa bigat ng krimen o pagkakasala, ang maysala ay papatawan ng mga hakbanging pagtutuwid tulad ng pangangaral, paggawa at pagbabayad ng danyos o ng pinakamabigat na parusang kamatayan.

2. Ang parusang kamatayan ay ipinapataw sa mga salarin sa mga kaso ng pag-eespiya, pagkakanulo at pagtataksil, pamamaslang, panununog, panggagahasa, malakihang paglustay, marahas at malakihang pagnanakaw at pagnanakaw ng at iba pang hayop na pantrabaho. Lalong ipinapataw parusang kamatayan kung sapat at paulit-ulit nang gumawa ang mga mamamayan at maykapangyarihan ng babala sa krimeng nabanggit. Mula sa dokumentong Ukol sa Sistema ng Hustisya ng Rebolusyunaryong Kilusan:
VI. Ang Kaparusahan sa Krimen

Ang rebolusyunaryong hustisya na pinapatupad ng Demokratikong Gubyernong Bayan ay nakabatay sa kongkretong paglilitis, pagdinig at pagsusuri ng mga malilinaw at matitibay na mga batayan alinsunod sa proseso ng Hukumang Bayan. Mula dito ay inilalapat ang mga karampatang parusa sa nasasakdal anuman ang kanyang katayuan sa buhay. Kaiba sa reaksyunaryong gubyerno na palamuti lamang ang sinasabing “walang kinikilangan at pantay na hustisya”.

Sa bulok na kultura na umiiral ngayon sa bansa, talamak ang mga nagaganap na pagsasamantala sa mga kababaihan. Sa mga balitang inilalabas at nailalathala sa telebisyon, radyo, dyaryo at kahit sa internet, hindi mawawalan ng kasong rape o panggagahasa. Ang pagsasamantala sa kababaihan, bukod sa panggagahasa ay kabilang ang pang-aabusong berbal, seduksyon, panghahalay at iba pang akto ng hindi paggalang sa kababaihan. Ang mga nabanggit na paglabag ay hindi simple o magaan na krimen lalo’t kung ito ay paulit-ulit na ginagawa.

Sa kaso ni Cesar Umali, malinaw na nilabag nya ng maraming beses ang karapatang tao, partikular ng kababaihan. Sinampahan si Cesar Umali at napatunayang nagkasala sa nagkakailang kaso ng panggagahasa at akto ng panghahalay (rape at act of lasciviousness). Batay sa mga nakalap na ebidensya mula sa mga nagreklamo, napatunayan na nagkasala si Cesar Umali sa anim (6) na kaso ng panggagahasa at dalawang (2) kaso ng akto ng panghahalay.

Karamihan ng biktima ni Cesar Umali ay mga menor de edad. Ang mga dininig na kaso ay naganap simula pa noong 2004 hanggang kamakailan lamang.

Ang paggawad ng parusang kamatayan kay Cesar Umali ay pagpapatupad ng Bagong Hukbong Bayan alinsunod sa pasya ng Demokratikong Gubyernong Bayan na naglitis at duminig sa mga isinampang kaso laban sa nasasakdal.

https://www.ndfp.org/rebolusyunaryong-hustisya-sa-mga-biktima-ng-pagsasamantala-sa-kababaihan-ni-cesar-umali/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.