Friday, March 22, 2019

43 dating rebelde, nakatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaan

From the Philippine Information Agency (Mar 22, 2019): 43 dating rebelde, nakatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaan

Featured Image

GUIPOS, Zamboanga del Sur -- May 43 na dating rebelde ang nakatanggap ng financial assistance sa pamahalaan mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at 53rd Infantry Battalion, lungsod ng Guipos, Zamboanga del Sur.

May kabuuang Php2.7 milyones ang ibinigay sa mga former rebels (FRs), kung saan ang bawa’t isa sa kanila ay nakatanggap ng P65,000 bilang livelihood and emergency assistance.

Ang FRs na isinuko ang kanilang mga armas ay nakatangap ng additional cash bilang remuneration at depende ito sa halaga ng baril na kanilang sinurender.

Isinagawa rin ang groundbreaking ceremony ng halfway house para sa mga FRs.



Ayon kay Brigadier General Roberto Ancan, commanding officer ng 1st Infantry (Tabak) Division, Philippine Army, ang halfway house ay magsisilbing venue ng rehabilitation, healing session, education at skills training activities ng mga FRs.

https://pia.gov.ph/news/articles/1020096

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.