Saturday, January 26, 2019

Wanted Sayyaf, hawak ngayon ng pulisya sa Zambo

From the Mindanao Examiner (Jan 26, 2019): Wanted Sayyaf, hawak ngayon ng pulisya sa Zambo

Inaalam ngayon ng pulisya kung may plano ba ang Abu Sayyaf na maghasik ng lagim o dumukot sa Zamboanga City matapos na madakip ang isang miyembro nito na sabit diumano sa mga kasong kidnapping sa kalapit na Basilan province.

Hindi pa naglalabas ng resulta ng imbestigasyon ang pulisya dahil patuloy pa ang imbestigasyon kay Daud Isnani, 33, na nadakip sa Barangay Talon-Talon ng mga operatiba ng Regional Anti-Criminality Task Group ng Regional Intelligence Division 9 ng pulisya.

Galing umano sa Basilan si Isnani at hinihinalang sa coastal area ito lumusot upang makapasok sa naturang barangay. Nabatid may mga warrants of arrest laban kay Isnani mula Isabela City sa Basilan, ilang milya lamang ang layo mula dito.

Kinumpirma naman ni Chief Superintendent Emmanuel Luis Licup, ang regional police commander, na hawak nga nila ang suspek. May 7 kaso ng kidnappings si Isnani, ayon pa sa opisyal.

“Daud Isnani y Baluan was arrested by virtue of the warrant of arrest for the crime of kidnapping and serious illegal detention issued by 9th RTC Branch 1 in Isabela City on January 28, 2008 with no bail bond recommended,” ani Licup.

Pinuri naman ni Mayor Beng Climaco ang mga parak at sa pagkakadakip sa suspek. “Our authorities are always on alert and so is the community members and we shall not allow lawless elements in our city,” sabi pa ni Climaco.

https://mindanaoexaminer.com/wanted-sayyaf-hawak-ngayon-ng-pulisya-sa-zambo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.