Wednesday, December 19, 2018

Tagalog News: PA-MID, mga partner nagsagawa ng gift-giving activity sa Capas

From the Philippine Information Agency (Dec 19): Tagalog News: PA-MID, mga partner nagsagawa ng gift-giving activity sa Capas



Nagsagawa kamakailan ng community service at gift-giving activity ang Mechanized Infantry Division o MID katuwang mga mga partners nito sa Maruglu Elementary School, Capas, Tarlac.  Bukod sa mga regalo, nagkaroon din ng libreng medical check-up para sa mga bata, pamamahagi ng libreng gamot, feeding program at libreng tsinelas at mga laruan. (Cherie Joyce V. Flores/PIA 3)
 
CAPAS, Tarlac -- Humigit kumulang 400 na mag-aaral ng Maruglu Elementary School sa bayan ng Capas ang nakinabang sa community service at gift-giving activity na isinagawa ng Mechanized Infantry Division o MID ng Philippine Army katuwang ang Go Share Foundation at iba pang partners nito.

Ayon kay MID Commander Major General Gilbert Gapay, ang aktibidad ay alinsunod sa pagdiriwang ng papalapit na kapaskuhan gayundin sa kanilang Armor Adopt-A-School Program na nabuo upang magbigay ng serbisyo at tulong sa mga indigent elementary students.


Aniya pa, ang nasabing programa ay hindi lamang isinasagawa sa lalawigan ng Tarlac kundi sa buong Pilipinas mula Aparri hanggang Jolo upang maabot at matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng magandang kinabukasan.

Batid din ng MID ang hirap sa pag-aaral ng mga bata upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan kaya naman patuloy ang kanilang hanay sa pagbibigay ng saya at pag-asa sa mga kabataan lalo’t ngayong panahon ng kapaskuhan.

Bukod sa mga regalo, nagkaroon din ng libreng medical check-up para sa mga bata, pamamahagi ng libreng gamot, feeding program at libreng tsinelas at mga laruan.

Dagdag ni Gapay, ang tunay na kahulugan ng pasko ay hindi sa mga regalong ito kundi higit na mahalaga ang pagbibigayan, pagmamahalan at pag-asa na sa kabila ng hirap na nararanasan sa buhay ay laging mayroong dahilan upang magpatuloy na lumaban sa buhay.

Payahag niya pa sa mga estudyante, na narito lamang ang Mandirigmang Armor bilang kanilang mga kuya at ate na handa silang tulungan sa panahon ng pangangailangan hindi lamang tagapagdala ng katiwasayan at seguridad kundi pagtulong sa bawat kabataan tungo sa magandang kinabukasan.
 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.