From the Philippine Information Agency (Dec 14): Manpower development center para sa mga dating rebelde itatayo sa Butuan
Groundbreaking ceremony para sa proyektong pagpapatayo ng Manpower Development Center na pinangunahan ni BGen. Franco Nemesio Gacal, Brigade Commander ng 402nd Brigade, Philippine Army, kasama si Agusan del Norte Gov. Ma. Angelica Rosedell Amante-Matba na ginanap sa 402nd Brigade, Philippine Army, Butuan City. (PIA-Caraga)
LUNGSOD NG BUTUAN - Pormal nang sisimulan ang pagpapagawa ng manpower development center – halfway house matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony sa 402nd Brigade, Philippine Army dito sa lungsod.
Ang nasabing center ay proyekto ng provincial government ng Agusan del Norte at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng enhanced comprehensive local integration program o E-CLIP ng pamahalaan na layong matulungang magsimula muli ang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagbalik loob sa gobyerno.
Ayon kay BGen. Franco Nemesio Gacal, Brigade Commander ng 402nd Brigade, Philippine Army, bibigyan din ng kabuhayan ang mga dating rebelde para may mapagkakitaan sa kanilang pagbabagong buhay.
Dagdag pa ni BGen. Gacal na magpapatayo din ng isa pang halfway house ang planong itayo ng local government unit ng Butuan bilang tugon na rin sa kagustuhan ng gobyerno na maging aktibo ang lokal na pamahalaan sa pagtulong sa re-integration program ng former rebels.
Umaasa ang gobyerno na sa pamamagitan ng programang ito mas dadami pa ang mahihikayat na miyembro ng NPA na magbalik loob at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Naniniwala naman si Agusan del Norte Grovincial Governor Ma. Angelica Rosedell Amante-Matba na sa pagsisikap at pagtutulungan ng gobyerno ay matatapos din ang matagal ng problema ng pamahalan sa mga rebeldeng grupo.
https://pia.gov.ph/news/articles/1016102
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.