Saturday, November 10, 2018

96 na dating rebelde nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno

From ABS-CBN (Nov 10): 96 na dating rebelde nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno

TANDAG, Surigao del Sur - Nakatanggap kamakailan ng ayuda ang 96 na dating miyembro ng New People's Army (NPA) na nagbalik-loob sa gobyerno.

Nagkaroon ng isang seremonya sa Tandag, Surigao del Sur Sabado ng umaga, kung saan ipinakita rin ang mga armas na isinuko ng mga dating rebelde.


Sa ilalim ng Task Force Balik Loob Enhanced Comprehensive Local Integration Program, lahat sila ay tatanggap ng immediate assistance na P15,000, at firearms remuneration kung saan ang halaga na matatanggap ay nakabatay sa kondisyon ng armas o mga armas na isusuko sa pamahalaan.

May P50,000 din na livelihood assistance. Nagbigay rin ng cash assistance ang lokal na pamahalaan ng Surigao Del Sur at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Lahat ng tulong na ito ay para makapagsimula ng bagong buhay.

Bukod dito, pagkakalooban din ang mga rebel returnees ng buwanang tulong sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development.

Maari ring makautang sa abot-kayang interes ang rebel returnees sa ilang government agencies nang hindi kailangan ng kolateral. Ang kanilang inutang ay maaring gamitin pang puhunan sa negosyo.

https://news.abs-cbn.com/news/11/10/18/96-na-dating-rebelde-nakatanggap-ng-ayuda-mula-sa-gobyerno

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.