Monday, October 29, 2018

CPP/NPA-Sorsogon: Matagumpay na pamamarusa sa Impormer ng 31stIBPA!

NPA-Sorsogon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 27): Matagumpay na pamamarusa sa Impormer ng 31stIBPA!

Samuel Guerrero
Tagapagsalita
Celso Minguez Command
BHB-Sorsogon

October 27, 2018

Ipinagbubunyi ng mamamayang Sorsoganon at ng rebolusyonaryong kilusan ang tagumpay ng operasyong pamamarusa na inilunsad ng mga kagawad ng Celso Minguez Command Bagong Hukbong Bayan-Sorsogon kaninang 6:00 ng umaga, sa Barangay. Pili, Magallanes, Sorsogon, Oktubre 26, 2018 kay Noel “Noing” Laguerta, mahigit 40 taong gulang, residente ng nasabing lugar.

Si Laguerta ay isang impormer na pakawala ng 31st IBPA, notoryus na lider ng grupo ng holdaper, nanloob sa bahay at pumatay kay Rosa Gregory, isang magsasaka, noong Abril 2015. Siya din ang bumaril sa isang kagawad ng Brgy. Pili, Magallanes na si Perto Gregory.

Isinalang ang kanyang kaso sa hukumang bayan at pinatawan ng parusang pagpapalayas sa kanyang baryo. Subalit hindi ito nagpatinag sa kanyang gawaing labag sa interes ng mamamayan, nagpatuloy ito sa kanyang panghoholdap.

Di pa nasiyahan sa kanyang trabahong anti-mamamayan, ilang beses nitong isinumbong ang kinalalagyan ng mga kasama. Nauna na nitong ipinahamak ang mga kasama noong Disyembre 26, 2017 at dalawang beses nitong 2018.

Ang pagpataw ng parusang kamatayan kay Laguerta ay bahagi ng pagpapatupad ng rebolusyonaryong kilusan ng hustisya para sa mga naging biktima nito sa mamamayan. Ang mga katulad ng ganitong anti-mamamayang gawain at pagpapagamit sa mga militar ay malinaw na batayan upang maisalang sa hustisya ng hukumang bayan.

Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

https://www.philippinerevolution.info/2018/10/27/matagumpay-na-pamamarusa-sa-impormer-ng-31stibpa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.