From the Mindanao Examiner (Jul 28): Pulis na Dinukot sa North Cotabato ng NPA, pinalaya na!
DAVAO CITY – Personal na sinundo ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa kuta ng New People’s Army (NPA) ang dinukot na Deputy Chief of Police ng President Roxas, North Cotabato. Ayon sa report, ilang buwan din ang naging negosasyon bago pumayag ang NPA na i-turn over kay Pangulong Rodrigo Duterte si Police Inspector Menardo Cui na dinukot noong December 28, 2017.
Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Duterte si SAP Go na sunduin sa kuta ng NPA si Cui para i-turn over naman ito sa PNP-Region 11.
Sinaksihan din ng MINDANAO NEWS EXAMINER KIDAPAWAN ang nangyaring pagpapalaya kay Cui sa bulubunduking bahagi ng Marilog District, Davao City samantalang sinamahan din ng kalihim si Cui kay PNP-11 Director Manuel Gaerlan.
Matatandaang dinukot ng mga hindi nakilalang suspek si Cui noong December 28, 2017 na kalaunan ay inako ng mga rebelde.
Habang nasa kamay ng mga rebelde, nagpadala ng video si Cui na nagsasabing maayos ang trato sa kanya habang umapela siya kay Pangulong Duterte na ituloy ang peace talks kahit sa pamamagitan ng back channel lamang samantalang nanawagan siya sa AFP ng pansamantalang suspension ng military operations sa lugar.
Si Pangulong Duterte ay kilalang kaibigan ng mga rebelde noong alkalde pa lamang ito sa Davao kung saan kasa-kasama si Go sa pagdalaw ng mga ito sa kuta ng mga rebelde. Pinayuhan ni Go si Cui na bago ang lahat ay unahin nya ang pagbisita sa puntod ng pumanaw na asawa.
https://mindanaoexaminer.com/pulis-na-dinukot-sa-north-cotabato-ng-npa-pinalaya-na/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.