NPA-Quezon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 25): Reaksyon ni Ka Cleo del Mundo sa SONA ni Duterte
Hulyo 24, 2018| PAHAYAG
Walang kalatuy-latoy at nakakasuya ang pahayag ni Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address sa Batasang Pambansa noong Hulyo 23.
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) spokesperson Ka Cleo del Mundo
Sa kanyang talumpati, wala siyang pahayag na lulutas sa mga pundamental na suliranin ng mamamayang Pilipino. Wala siyang binanggit na hakbangin kung paano malulutas ang kahirapan ng bayan. Walang pinag-iba sa panis na ulam ang talumpati ni Duterte na kahit anong pasulak at muling luto ay hinding-hindi na makakakain ng bayan.
Partikular sa lalawigan, bagsak ang industriya ng kopra, tatlong pangungusap lamang ang kanyang inilaan para sumahin ang matagal nang pakikibaka ng mga magniniyog sa pagbawi ng pondo ng coco levy. Wala itong ibig sabihin sa maralitang maglulukad.
Wala talagang ibang pupuntahan ang mamamayan kundi ang pagrerebolusyon. Sa pakikibakang bayan sa kanayunan at kalunsuran, kailangan nating alpasan ang dambuhalang lakas na iba’t-ibang seksyon na lipunan na ngayon ay nagkakaisa para itakwil ang isang mapanlinlang at mapanupil na diktaduryang US-Duterte.
Kung sinuma ni Duterte sa tatlong pangungusap ang laban ng mga magniniyog, isang pangungusap lamang ang sagot ng rebolusyunaryong mamamayan ng Quezon sa kanyang 48-minutong satsat — “Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!”
https://www.ndfp.org/reaksyon-ni-ka-cleo-del-mundo-sa-sona-ni-duterte/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.