From the Mindanao Examiner (Jul 6): 3 NPA bulagta sa engkwentro
NORTH COTABATO — Tatlong mga kasapi ng New People’s Army o NPA ang nasawi makaraang magka-engkwentro sa pagitan ng mga sundalo sa bulubunduking bahagi ng Don Panaca sa bayan ng Magpet, North Cotabato, Biyernes ng umaga.
Ayon kay Lt. Col. Elrick Noel Paraso ang commanding officer ng 19th IB, Philippine Army, nagpapatrolya ang mga tauhan nito alas-6:46 ng umaga ng makasagupa ang 50 mga kasapi ng NPA sa ilalim ng Pulang Bagani Command 2 ng Southern Mindanao Regional Committee na nagresulta ng isang oras na bakbakan.
Umatras ang mga kalaban bandang alas-7:45 ng umaga.
Matapos ang isang oras na bakbakan ay narekober ng mga sundalo ang M16 riffle ng kalaban at tatlong mga bangkay ng NPA.
Nagpaabot naman ng pagkikiramay si Colonel Larry Mojica, commander ng 901st Brigade ‘I am extending my condolences to the friends of NPA terrorists who died in the clash with the government troops. It have not resulted into this if only these terrorist heeded the call of the government to lay down their arms and go back to the folds of law’.
https://mindanaoexaminer.com/3-npa-bulagta-sa-engkwentro/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.