Tuesday, December 19, 2017

Sundalo patay sa Sayyaf

From Abante Tonight (Dec 19): Sundalo patay sa Sayyaf

Isang sundalo ang patay at 2 ang ­sugatan matapos na makipagsagupaan kahapon sa mga hinihinalang Abu Sayyaf sa bayan ng Tipo-Tipo sa magulong lalawigan ng Basilan sa Muslim autonomous region.
 
Nabatid na ­pawang mga miyembro ng 74th Infantry Battalion ang mga biktima. Sumiklab ang sagupaan sa Barangay Badja. Walang balita kung may sugatan o nasawi sa panig ng Sayyaf.

Ngunit isang bomba rin ang pinasabog ng Abu Sayyaf sa Barangay Kulaybato sa Lamitan City kamakalawa ng gabi. Walang inulat na sugatan sa pagsabog na naganap bago maghating-gabi.


Tikom naman ang mga bibig ng opisyal ng Western Mindanao Command at Philippine Army ukol sa nasabing sagupaan.
 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.