Saturday, December 23, 2017

DWDD: PEACE INTEGRATION | More NPA’s Surrenders in Sultan Kudarat

From DWDD AFP Civil Relations Service Radio Website (Dec 23): PEACE INTEGRATION  |  More NPA’s Surrenders in Sultan Kudarat

  


BAGUMBAYAN, Sultan Kudarat (DWDD) – Tinungo ng tropa ng 33rd Infantry “MAKABAYAN” Battalion ang Baranggay Sto Nino sa Bagumbayan, Sultan Kudarat upang magdaos ng diyalogo at Chirstmas party nuong ika-dalawampu ng Disyembre 2017.

Dumalo sa naturang pgtitipon ang mga Lumad mula sa iba’t-ibang barangay ng Bagumbayan kasama ang kanilang Kapitan, Tribal Elders at Indigenous People’s Mandatory Representative.

Kasama rin sa pagtitipon ang Philippine National Police at mga Lokal na Opisyal ng Munisipyo ng Bagumbayan sa pangunguna ni Mayor Jonalette De Pedro.

Sa naturang diyalogo, dininig ng mga kawal ang problema ng mga Lumad, partikular ang ginagawang panghihimasok ng teroristang NPA at kanilang mga Front Organization sa kanilang mga komunidad.

Ipinaliwanag ni LTC Harold M Cabunoc, pinuno ng 33rd IB, na ang hangarin ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ay mahimok ang mga Lumad na na-recruit ng teroristang NPA na bumalik sa kanilang tahanan at isuko ang kanilang mga armas sa gobyerno.

Igniit ni LTC Cabunoc na kailangan ang suporta ng buong tribo para makontra ang panghihimasok ng ng mga teroristang komunista na siyang nagbunsod sa mga karahasan sa kanilang lugar.

Samantala, sa naturang pagtitipon ay pormal na sumuko ang sampung miyembro ng Platoon Arabo ng Guerilla Front 73.

Ayon kay Tata Isil, 22 taong gulang, lalo siyang naghirap sa ginawang pamumundok kasama ang teroristang NPA.

Sa loob ng 2 taon, iniwan niya ang kanyang anal paara sumama sa armadong kilusan kung saan ay naging kumander ang kanyang asawa na si Ka Jessie.

Sa sistemang balik-tribo ng 33IB, ipinatanggap ng Lokal na Pamahalaan at ng Philippine Army ang mga sumukong NPA sa kanilang mga pamilya, kaibigan at Tribal Elders.

Naging makahulugan at mainit ang pagtanggap ng mga mga mahal nila sa buhay ang mga dating NPA nang sila ay lumapit sa kanilang kinaroroonan.

Sa pagdiriwang ng kapaskuhan, kasama ang trib, namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng mga food packs para sa lahat ng dumalong miyembro ng tribong Dulanngan Manobo.

Ayon kay Mayor De Pedro, bahagi ito sa kanyang programang pagpapaabot sa ordinaryong mamamayan ang serbisyo ng gobyerno.

Sa ngayon ay umaabot na sa 90 kasapi ng Guerilla Front 73 ang sumuko na sa mga tropa ng 33IB simula nuong Mayo taong 2017 habang aabot na sa 23 na ang unang grupo ng mga sumuko ay makatatanggap na ng benepisyo mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Comprehensive Local Integration Program o CLIP.

Naganap ang Awarding Ceremony sa sa “The Farm” sa Koronadal city nuong Disyembre a-beinte unona pinangunahan ni Gov Sultan Pax Mangudadatu. 33IB / MCAG

http://dwdd.com.ph/2017/12/23/peace-integration-more-npas-surrenders-in-sultan-kudarat/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.