From the Mindanao Examiner (Dec 19): BIFF, binomba ng militar sa Mindanao!
Binomba kanina ng militar ang kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa lalawigan ng North Cotabato na kung saan ay patuloy ang opensiba ng pamahalaan laban sa jihadist group na kaalyado ng ISIS sa Mindanao.
Target ng opensiba ang lider ng BIFF na si Esmael Abdulmalik alias Abu Turaife na pinaniniwalaang nagtatago sa kabundukan ng Barangay Tunganon sa bayan ng Carmen.
Kinumpirma ito ng 6th Infantry Division at sinigurado nito na walang mga sibilyan na nadamay sa naturang pambobomba ng mga eroplano ng Philippine Air Force.
“The operation was conducted to weed out the terrorist group and to free the communities from the terror menace brought about by the BIFF. All safety procedures were undertaken of the well-coordinated, deliberately planned, and specific-target operation.”
“The targeted areas are far from the local communities, hence, the operation was conducted with outmost consideration that the civilian populace are far from harm’s way, ensuring their safety and protection,” ani Major General Arnel dela Vega.
Hindi naman sinabi ng Dela Vega kung may ulat na casualties sa panig ng BIFF, ngunit ayon sa kanya ay ginagalugad pa rin ng mga tropa ang nasabing lugar na kung saan ay may mga sagupaan na sa pagitan ng magkabilang panig.
“I am very determined to defeat the threat groups and thwart them from doing terroristic activities in Central Mindanao,” wika pa nito.
Karamihan sa mga miyembro ng BIFF ay mula sa Moro Islamic Liberation Front na tutol sa liderato nitong si Murad Ebrahim. Nais ng BIFF na maitatag ang isang Islamic state sa Mindanao na dating pinamumunuan ng mga sultan at datu.
http://mindanaoexaminer.com/biff-binomba-ng-militar-sa-mindanao/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.