From the Mindanao Examiner (Nov 24): ISIS weapons, nabawi sa Lake Lanao
Makikita sa larawang ito na ipinasa ngayon Biyernes ng Western Mindanao Command sa Mindanao Examiner regional newspaper ang sari-saring armas ng ISIS na nabawi ng mga sundalo sa Marawi City.
MARAWI CITY – Nabawi ng militar ang sari-saring armas na pagaari umano ng ISIS na itinapon sa Lake Lanao upang itago sa mga sundalo na patuloy ang clearing operation sa Marawi City.
Sinabi ng Western Mindanao Command na kabilang sa mga armas na nabawi ay isang M60 machine gun, dalawang anti-tank rocket launcher at 13 mga bala nito at 18 mga rifle grenades.
Nakuha ito ng mga combat divers ng Special Operations Group ng Philippine Navy at Special Forces ng Philippie Army. “It has been 37 days since the liberation of Marawi, but our troops still recover armaments from the main battle area which are believed to be from the members of the Daesh-inspired Maute terror group. Search and recovery operations will continue until we are certain that Marawi is totally cleared,” ani Brigadier General Murillo, commander ng Joint Task Force Ranao.
Wala naman natagpuang mga ISIS stragglers sa lugar, ngunit tumatagal ang clearing operation dahil sa pangambang may mga bombing iniwan sa mga gusaling pinagkutaan ng ISIS.
Sa kabila nito ay libon-libong mga residente na rin ang nakabalik sa kanilang mga lugar, subali’t wala naman silang matirhan dahil karamihan sa mga bahay at gusali sa ibat-ibang barangay ay nawasak o nasira sa pambobomba ng militar.
http://mindanaoexaminer.com/isis-weapons-nabawi-sa-lake-lanao/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.