Sunday, August 13, 2017

AFP troops palapit na sa Maute leaders

From Abante (Aug 12): AFP troops palapit na sa Maute leaders (AFP troops closing in on Maute leaders)

Malapit nang mapasok ng mga tropa ng gobyerno ang pinagkukutaan ng mga lider ng Maute Group, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla sa Mindanao Hour press briefing sa Malacañang kahapon.

“We have gone close to where they are hiding,” ayon kay Padilla.

Naniniwala rin ang AFP na nasa battle area pa rin ang mga lider ng Maute Group. “We believe they’re still inside the battle area and the reason why fighting has been intense is potentially,” paliwanag pa nito.

Tungkol naman sa larawan nina Abdullah Maute at Isnilon Hapilon na kumalat sa social media, sinabi ng AFP spokesperson na kinukumpirma pa nila kung totoo ito.

“With the recent advances in technology and potential ways of altering a picture, mahirap magkomento sa mga lumalabas na mga photos hangga’t hindi kami nakapagsasagawa ng forensic exa­mination at doon malalaman mo kung talagang authentic at recent ‘yung photo,” ani Padilla na hindi isinasantabing baka propaganda lamang ito.
 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.