Monday, May 1, 2017

Maddela Police Station nilusob ng NPA

From the Philippine Information Agency (May 1): Maddela Police Station nilusob ng NPA

Nilusob ng  New People’s Army (NPA) ang Maddela Municipal Police Station sa Quirino kahapon bandang 10:30 ng gabi.

Ayon sa ulat ng 86IB, ang mga miyembro ng NPA ay gumamit ng dumptruck at huminto sa harapan ng PNP Station at dito na nagsimula ang pag-atake na tumagal ng halos 45 minuto na sanhi ng pagkamatay ng isang miyembro ng PNP at pagtangay sa hindi pa mabilang na mga baril ng PNP Maddela.

Sapilitan ding ipinamanehao ang mobile patrol car ng PNP sa isang pulis na ginamit sa pagtakas ng mga bandidong NPA patungo sa barangay San Pedro.

Sa kalagitnaan ng boundary ng barangay San Pedo at Kabua-an ay inabandona ang patrol car at ang PNP personnel at sumakay ulit ang mga bandidong NPA sa dumptruck patungo sa barangay Kabua-an.

Inaalam pa sa ngayon ng mga otoridad ang buong detalye ng pangyayari at kasalukuyan ang pag-iimbestiga sa nasabing insidente.

Samantala, ipinag-utos ni LTC Jose Vladimir Cagara, tagapamahala ng 86IB, na magsagawa ng pursuit operation ang kanyang tropa upang tugisin ang mga bandidong NPA.

Hinikayat din ni LTC Cagara ang mga residente na maging mapag- matyag at ipagbigay alam agad sa mga atoridad kung may mapansin na kaduda- dudang kilos ang mga grupo sa kanilang lugar.

http://news.pia.gov.ph/article/view/451493545272/maddela-police-station-nilusob-ng-npa

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.