From the Philippine Information Agency (Apr 13): Tagalog news: WESCOM, naka-heightened alert laban sa banta ng terorismo sa Palawan
Upang matiyak ang kapayapaan, seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan ng Palawan sa ano mang gawain ng mga terorista, nagdeklara ng heightened alert status ang Western Command sa lalawigan.
Ang deklarasyon ay kasunod ng naganap na engkuwentro sa Bohol sa pagitan ng tropa ng pulis at sundalo ng pamahalaan at mga bandidong Abu Sayyaf.
Sa isinagawang press conference kahapon sa WESCOM headquarters, tinuran ni Lt. General Raul del Rosario, commander ng WESCOM, na pinalakas ngayon ng kanilang hanay ang pagmamanman upang maiwasan ang posibleng puntirya ng kidnap-for-ransom group (KFRG) lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga turista.
Ani del Rosario, nakahanda na ang kanilang naval at air assets at sinimulan na rin nila ang pagsasagawa ng random check point, pagpapatrolya at mas pinaigting na military visibility.
“Pinosisyon na natin sila sa key areas. We are wasting no time to come up with our coordinated actions. While the coastguard, the PNP are doing inspections on their respective areas, we are coming up with plans on how to conduct joint operations particularly on those prone areas like seaports, airports and other areas where there could be ASG or KFRG supporters (Hindi tayo nag-aaksaya ng panahon sa ating mga pinagsama-samang gawain. Habang ang coastguard at PNP ay nagsasagwa ng masusing inspeksiyon sa kanilang mga lugar, kami naman ay nagpaplano kung paanong mapagsasanib-pwersa, partikular sa mga lugar na prone sa mga taga-suporta ng ASG o KRFG gaya ng pier o paliparan)”, pahayag pa ng opisyal.
Kaugnay nito, nagsagawa rin kahapon ng pagpupulong ang interagency security na binubuo ng Philippine National Police (PNP), Maritime group, Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinangunahan ng WESCOM Commander.
“Nandito kami to get our acts together to prevent terrorism happening in Palawan. While we have been vigilant in doing our respective jobs, it is best if we coordinate all our efforts together,” dagdag pa ni del Rosario.
Nanawagan din ang WESCOM ng pakikipagtulungan mula sa mga komunidad upang makatuwang ng pamahalaan sa pagsawata sa mga terorismong Gawain.
http://news.pia.gov.ph/article/view/3321491980704/tagalog-news-wescom-naka-heightened-alert-laban-sa-banta-ng-terorismo-sa-palawan
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.