NPA propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 15):
Pahayag Hinggil sa isinagawang Reyd sa hinihinalang drug lord at gunrunner (Statement concerning the raid on a suspected drug lord and gunrunner)
Salvador Luminoso, Spokesperson
NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command)
15 April 2017
Isang reyd sa bahay ng hinihinalang drug lord at gunrunner ang inilunsad ng mga elemento ng Bagong Hukbong Bayan-Palawan noong ika-14 ng Abril alas-otso ng gabi sa barangay Barong Barong Brookes Point Palawan.
Naisagawa ang reyd dahil sa natanggap na ulat na sa gabing iyon magaganap ang malaking bentahan ng shabu sa bahay ng kilalang pinuno ng rescue 165 sa ilalim ng provincial government na si Gilbert S. Baaco o mas kilalang GSB. Bilang aksyon sa ulat, kagyat at mabilisang isinagawa ang reyd subalit nakatunog si GSB at agad na nakapagpaputok ng baril kaya’t napilitang magpaputok din ang mga kasama na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Nakuha sa pag-iingat ni GSB ang labing walong(18)baril na kinabibilangan ng: (6) pirasong shotgun, (9) na pirasong 9mm, 2 pirasong m4-bushmaster, at isang regular na M16. Aabot naman sa 500 rounds bala ng 5.56×45mm, 100 rounds para sa 9mm, 20 rounds at isang magasin para sa cal.45 at iba pang mga bala para sa cal. 38 at cal.40.
Si Gilbert S. Baaco ay matagal nang nasa watch list ng Bienvenido Vallever Command dahil sa mga ilegal na aktibidad nito na malayang naisasagawa dahil sa tabing ng rescue 165 at bilang pinuno din ng PDRRMO sa ilalim ng pamahalaang JCA. Lantad sa mga mamamayan ng Palawan ang mga krimen nito tulad ng mga pagpatay na tipong tokhang sa mga kasamahan din nilang nais nang tumiwalag. Ganundin sa mga sibilyan na hinihinala nilang nagsusumbong sa kanilang mga ilegal na gawain.
Ginagamit ni GSB ang titulong rescue 165 upang abusuhin, takutin ang mga mamamayang gustong palayasin ng JCA sa kanilang mga lupain sa ngalan ng development. Siya din ang namumuno sa pananakot sa mga nagpoprotestang mamamayan na nagpapahayag ng kanilang karaingan sa pamahalaan. Sa maikling salita, mas kilala si GSB ng mga Palaweño bilang “the untouchable” o “little governor”.
Sa nangyari, inulan ng tawag at text mula sa masa ang pamunuan ng BVC para batiin ang kanilang hukbo sa matagumpay na pamamarusa sa notorious na kriminal, druglord at gunrunner na si Gilbert S. Baaco.
Mabuhay ang CPP/NPA/NDF!
Mabuhay ang Sambayanan!
Mabuhay ang Rebolusyon!
https://www.philippinerevolution.info/statements/20170415-pahayag-hinggil-sa-isinagawang-reyd-sa-hinihinalang-drug-lord-at-gunrunner
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.