Apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay makaraang muling sumiklab ang matinding sagupaan ng militar na nag-umpisa bandang alas-7:40 ng gabi hanggang alas-5:20 ngayong umaga sa Maguindanao.
Ayon kay 1st Mechanized (light armor) Brigade Commander Colonel Felicisimo Budiongan, sunud-sunod na sinalakay ng BIFF ang mga detachment sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao.
Dahil sa rami ng mga rebelde ay nagpakawala ng mga bala ng 105mm Howitzers cannon ang military at tumulong na rin ang dalawang MG-520 attack helicopters ng Philippine Air Force (PAF) para bombahin ang BIFF.
Maraming sibilyan din ang nagsilikas sa takot na maipit sa kaguluhan patungo sa mga ligtas na lugar sa bayan ng Datu Piang at Datu Saudi Ampatuan.
Nabatid na ang sunud-sunod na pagsalakay ng BIFF ay ganti ng mga rebelde sa pagkasawi ni Tamarin Esmael alyas Kumander Tamarin, vice chairman ng Internal Affairs ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM).
Maliban sa pag-atake sa bayan ng Datu Salibo, inatake rin ng BIFF ang mga detachment ng sundalo sa mga bayan ng Pigcawayan at Midsayap sa North Cotabato.
http://www.philstar.com/probinsiya/2017/01/02/1658790/4-biff-patay-sa-bakbakan
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.