Monday, September 12, 2016

170 sundalo sa Aurora, sumailalim sa drug test

From the Philippine Information Agency (Sep 12): 170 sundalo sa Aurora, sumailalim sa drug test (170 soldiers in Aurora, undergo drug test)

May 170 kawani ng Philippine Army 56th Infantry “Tatag” Battalion ang sumailalim sa drug test.

Ayon kay Tatag Battalion Commander Lt. Col. Louie Villanueva, bahagi ito ng kanilang pakikiisa sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.

Ani Villanueva, kung meron mang sundalo na maging positibo ay agad silang tatanggalin sa serbisyo at mawawala ang lahat ng kanilang mga benepisyo.

Regular na magsasagawa ang batalyon ng random at mandatory drug testing upang matiyak na ang lahat ng mga tauhan nito ay drug-free

http://news.pia.gov.ph/article/view/611473304727/170-sundalo-sa-aurora-sumailalim-sa-drug-test

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.